Nagtaka ako bigla sa sinabi ni Cyrus, na parang normal lang na pag-usapan namin ang tungkol doon eh madalas nga siyang nagagalit kapag iyon na ang sinasabi ko.

"Am I missing something here? Why do you want to talk to me, Cyrus?"

"Do you want to sit first?"

"Yeah? Oh, yeah! Parang gusto ko na nga ding matulog ngayon." Sabi ko nang makaupo na ako sa kama ni Erwin habang inaalalayan niya pa ako. Tinabihan din niya ako at kinuha ang kamay ko para hawakan iyon.

What's up with him, really? Kanina lang ay pinapaalis niya ako sa kwarto niya dahil ayaw niyang magtaka ang mga kasama namin sa bahay kung bakit ang tagal ko doon. Ngayon naman ay magkatabi pa kaming nakaupo sa kama habang magkahawak kamay?

"Erika, I'm sorry." He said while still holding my hand.

Oh my! Why sorry? Saan ba patungo ang usapan na 'to? Gusto ko nang magtanong ng kung anu-ano sa kanya, pero tumahimik lang ako at hinintay pa kung ano man ang sasabihin niya sa akin.

"I....I....I...."

"What, Cyrus?! You're killing me here!" I snapped na ikinatawa naman niya.

"I don't want you to go, too. Don't leave. Stay here. Please, Erika?"

Halos tumigil ang pagtibok ng puso ko sa mga narinig ko sa kanya pero pinigilan ko parin ang sarili ko na matuwa ng lubusan dahil hindi ko pa naman sigurado kung saan patungo ang usapan naming ito.

"Cyrus? Why?" Mahinang sabi ko kasabay ng pagtayo ko ulit dahil hindi na ako mapakali sa kinauupuan ko. At gaya ko ay napatayo na din siya at lumapit ulit sa akin.

"Back there, at my room? When we were interrupted by Katarina? Hindi ko lang sinabi sa inyo at ipinahalata na lahat ng sinabi niya sa akin ay tumatak sa isip ko. Aaminin kong ilang beses na ding sumagi sa isip ko ang magiging baby natin, Erika, at ilang beses ko din sinabi sa sarili ko na hindi ninyo ako kailangan, na hindi ako ang nararapat na maging ama ng baby mo dahil hindi ko alam kung magagampanan ko ba ng tama ang pagiging ama sa kanya. Hindi ko alam kung maibibigay ko ng buong-buo ang sarili ko sa inyo. Alam mong mahal ko si Clover."

Okay, pwedeng huwag nang banggitin?

"Kaya hindi ko magawang panagutan at gawin ang tama para sa inyo ng magiging baby natin dahil iba ang mahal ko." Sabi niya dahilan para mapayuko ako at hindi niya makita ang nagbabadyang pagpatak ng mga luha ko mula sa mga mata ko. "Pero noong una lang iyon, Erika."

I frozed. Ito na ba? Ito na ba ang pinakahihintay kong marinig mula sa kanya?

"Hindi ko alam kung ano ang tunay kong nararamdaman para sa 'yo, Erika. Pero alam kong ayokong mawala ka sa akin pati na ang baby natin. Ayokong umalis kayo ng bansa. Ayokong manganak ka ng wala ako sa tabi mo. Ayokong mag-isa ka lang na magpapalaki sa baby natin kung pwede din naman niya akong makasama."

"Ibig sabihin ba niyan gagampanan mo na ang pagiging ama sa baby natin? Pwede na nating ipaalam sa lahat na ikaw ang ama ng baby ko?" Umaasang tanong ko sa kanya.

He smiled. "That, and more."

"Ha? What do you mean?"

"I want it to make it right, Erika. And don't tell me that I don't have to do this because I already think it through and that I really wanted this to happen."

"What are you saying?"

He laughed, but after that, he became serious again. Lumapit pa siya sa akin hanggang sa wala nang distansiya sa pagitan namin before he cupped my face with his hands and asked,

"Will you marry me?"

I suddenly felt dizzy making me almost fell on the floor if he wasn't faster enough to caught me. He even put his arms around me to let me lean on him.

Night Owl Assassin 2Where stories live. Discover now