Chapter 37: We Meet Again

Van’s POV

Mas masahol pa sa tinanggalan ng kaluluwa ang nangyari sa akin. Yung pakiramdam na gumagalaw ang katawan ko pero blanko ang isip ko. Hindi ganoong kadali ang ibigay na lamang si Kisha na parang bagay kay Ivan pero 'yun lang ang alam kong paraan para maprotektahan siya. Bilang isang pinuno ng buong Vampire Clan baka hindi ko siya magawang protektahan dahil sa katayuan ko, hindi lang si Kisha ang pinoprotektahan ko kundi ang mga tao at ang Vampire Clan. Hindi rin lamang si Kisha ang pinoproblema ko kundi pa pati na din ang mga Fiends....

Wala ako sa sariling naglalakad papasok ng mansyon. Ni hindi ko na alam pa kung anong gagawin ko ngayong wala na si Kisha. Parang kalahati ng buhay ko ang natanggal sa akin. Ano kayang iisipin niya sa ginawa ko? Tama ba ang naging desisyon ko? Kapag kaya nalaman niyang magulang ko ang pumatay sa mga magulang niya, mamahalin pa rin niya ako? Hindi ko na talaga alam ang iisipin. Ang bading pero parang binibiak ang puso ko na halos hindi ako makahinga. Gusto kong saktan ang sarili ko, sisihin ang sarili ko pero nangyari na ang nangyari. Kapag tinitingnan ko si Kisha ay tanging naiisip ko lamang ay ang aking ina-inahan na walang awang pinatay ng Lolo niya. Wala siyang puso, sarili niyang anak nagawa niyang patayin. Gusto kong sisihin ang sarili ko, kung sana hindi niya ako inaruga eh di sana buhay pa rin siya hanggang ngayon...

"O? Asan si Kisha?" salubong sa akin ni Lolo G...

Hindi ko siya pinansin at diretso lamang sa paglalakad...

"What happened to him? He looked like a helpless fuck" hindi ko na din pinansin ang pamilyar na boses, parang dinala sa outer space ang utak ko, tanging gusto ko lang ay humiga sa kama ko at magpahinga...

"Apo! May bisita ka!" wala na akong pakealam kung sinomang hinayupak na bwisita 'yan. Wala akong oras para harapin sila. Wala akong tulog simula pa kagabi pagkatapos kong dalhin si Kisha sa mansyon ng mga Raven. Doon siya nabibilang at hindi sa isang bampirang katulad ko. Ang tanga ko para umasang ang tao ay para sa mga bampira dahil kahit kelan hindi mangyayari ‘yun, kung sa pelikula nangyayari ‘yun, pero sa totoong buhay ay hinde…

Dire-diretso lamang ako sa paglalakad hanggang sa pagdating ng kwarto ko. Hindi ko na pinansin ang isang pigurang nakatayo malapit sa may malaking bintana. Dumiretso lang ako sa kama at pasalampak na humiga. Niyakap ko ang unan na ginagamit ni Kisha, nandito pa din ang amoy niya. Ngayon pa lang namimiss ko na siya...

"Kelan ka pa naging snob ha? Van-van?" napamulat ako dahil sa isang pamilyar na boses at sa nickname na 'Van-van', isa lang ang taong tumatawag sa akin ng pangalang 'yun. Napalunok ako pero nanatili lang akong nakatingin sa may kisame. Hindi kaya...minumulto ako ni Jullia? Aish! Bakit ngayon pa? Di ba pwedeng bukas na lang? Muli kong ipinikit ang aking mata at niyakap ang unan ni Kisha, baka dala lamang iyon ng pagod. Aamuyin ko na lang 'tong unan hanggang sa makatulog ako...

"Ganyan ka na pala ngayon Van-van, hindi ka na namamansin"

Itinaklob ko ang unan sa tenga ko. Bakit ba naririnig ko ang boses ni Jullia? Anong meron? Di ba matagal na siyang natatahimik?

"VAN REI ISAAC FENIER WALKER!!!! WALA KA BA TALAGANG BALAK PANSININ AKO HA?! BABO VAMPIRE!!!"

Dahil sa sigaw na 'yon, sa pagtawag sa buo kong pangalan, at sa 'Babo Vampire' o ‘Tangang Bampira’ na madalas niyang itawag sakin noon kapag galit siya sakin ay tuluyan na akong napabangon. Tumingin ako sa aking paligid hanggang sa magfocus ang mata ko sa isang babaeng nakatayo hindi kalayuan na ngayon sa aking kama...

Napakunot ang noo ko at awtomatikong itinaas ang kamay at nanginginig siyang itinuro... "J-Jullia?"

The Perverted Vampire (PUBLISHED)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!