An: Busy na sa school. Sorry! </3

Hello, @Kathlene_211 @MeeBookish_Thea @royalam34 @Marie_Irene_Cashiell, this chapter is dedicated to you guys

********

Caela/Jazze's POV

"Okay ka lang ba, Mich?" Nag-aalalang tanong ko sa kanya. Kanina pa kasi siya tahimik simula ng bumalik kami dito sa palasyo. Sinabi na rin namin kina Mama at Papa na nasa kay Sophia si Dindin. At iyon nga ang pag-uusapan namin ngayon. Hinihintay lang namin na dumating ang iba pang mga council. Yung mga Superiors naman nandito na din sa palasyo, kaso may mga sarili silang mundo. Hahaha.

"Ayos lang ako sis. Hindi lang talaga ako makapaniwala sa mga nangyayari. Ibang-iba na siya! Hindi na siya ang Sophia na nakilala ko." Malungkot na tugon niya.

"We can't do anything. Mas pinili niyang tahakin yung maling landas. Nakakalungkot nga lang, kasi sayang! Sayang yung mga pinagsamahan, na sa una pa lang pala ay hindi na naging totoo."

"Yeah! Siguro kailangan ko na lang tanggapin na hindi na siya babalik. Sobrang imposible ng mangyari iyon." Muling sagot niya na ikinatango ko.

Ang piping dasal ko lang ay sana wala siyang ginawang masama kay Dindin. Kahit naman siguro sobrang sama na ng dugong dumadaloy sa mga ugat niya, sana maisip niya na may pinagsamahan din sila noong bata. Wala namang kinalaman si Dindin sa mga nangyayaring gulong ito, para idamay niya.

Sumandal muna ako sa sofa habang hinihintay yung iba, at ipinikit saglit ang mata ko. Maya-maya pa naman siguro sila dadating. Marahan ko ding hinilot ang aking sentido, dahil medyo kumikirot ito.

Haaaay! Kinulang na naman sa tulog, kaya siguro ganito.

Nagulat ako ng may mga kamay na  masuyong humihilot din sa ulo ko, kaya napamulat ako bigla ng mata. At nakita ko nga ang nag-aalalang mukha ni Dash.

"Are you okay, baby? Namumutla ka na! You really need some rest." Nag-aalalang sabi niya na ikinailing ko.

"Don't worry, baby. Medyo kumirot lang ang ulo ko, pero okay na po ako." Nakangiting sagot ko para naman mabawasan ang pag-aalala niya. Bale ang pwesto namin, nakatingala ako sa kanya pero nakasandig naman ang ulo ko kaya hindi nakakangalay, samantalang siya ay nasa bandang ulunan ko.

Ilang minuto sigurong nakatitig lang kami sa mata ng isa't-isa, nang bigla ko na lang maramdaman ang mabilis na pagdampi ng labi niya sa labi ko kaya bahagya akong natigilan. Hokage talaga itong mahal ko! Tingnan mo, nakahalik agad! "You can't lie to me, baby. Kaya sa ayaw at sa gusto mo, magpapahinga ka muna." Nakangising sabi niya. At sa isang iglap lang, nandito na siya agad sa tapat ko.

Princess of the Mystique KingdomBasahin ang storyang ito ng LIBRE!