Pffft!! New Classmate?

177 9 2
                                        


********************************************************************************************

MARVIN's POV

"bago ko simulan ang klase may ipapakilala ako sa inyo...".wika ni ma'am sa amin

"oh halika ka na ija" 

nagtaka kaming lahat kung sino ang babaeng pumasok sa room namin na pinakilala ni ma'am

"Hi my name is Nadine Coloma ....galing ako sa section-Narra...magiging classmate niyo na ako simula ngayon:)" 

pagpapakilala niya sa amin

"whaaaat ??." 

wika ni Eunice kay ma'am

"oh anu yun Eunice" 

sagot ni ma'am

"ma'am akala ko po ba..hindi na pwedeng madagdagan ang bilang namin..pero bakit may echapwera na naligaw dito" 

sagot ni Eunice kay ma'am

"Eunice ....dahil nga napakakonti ng bilang niyo..at may nawala pang isa...naisipan ko na sumabak si Nadine sa matinding pagsubok na kailangan niyang maperfect ang ibibigay naming tanong..at nagawa naman iyon ni Nadine" 

wika ni Ma'am kay Eunice

pinaupo na ni ma'am si Nadine sa may isang bakanteng upuan ...kung saan doon dati nakaupo ang namatay naming kaklase na si Lara

*lunch break*

"Chelsea,Tonee, Lester...tara na sa canteen" 

pagyaya ko sa kanila

"tara na..mukhang kanina pa ko nagugutom..tagal kasi magpadismiss ni Sir Nico" sagot ni Lester

bago kami lumabas ng room may tumawag kay Chelsea

"Chelsea"

ahh..si Nadine lang pala

"puwede ba 'kong sumabay sa inyo?" tanong niya sa amin

"Ahh ..sige ba..tutal magkaklase na rin naman na tayo dito ..kaya Friends na rin tayo...diba guyz?? pagtugon ni Chelsea sa tanong ni Nadine at pagtanong niya sa amin

"ahh..oo" 

wika ko kay Chelsea

"so tara na?" 

sabat naman ni Lester

"Tara"

... 

.

.

The Game is OverWhere stories live. Discover now