An: SORRY sa matagal na UD! May mga ginagawa din po ako, hindi lang naman po dito umiikot yung buhay ko. Pasensiya na kung naiinis na kayo!!

This chapter is dedicated to you guys. Thank you ❤

@JYNX19
@Glmtcd_jk23
@Judyannedulfo143
@JustWhoIWannaBe

*****

Caela/Jazze's POV

Nasa gubat kaming magka-kaibigan ngayon dahil dito naman namin siya hahanapin. Pero nasuyod na yata namin ang buong kagubatan pero hindi pa rin nakikita si Din-din.

"Baby, sa tingin mo mahahanap pa kaya natin siya? Unti-unti na kasi akong nawawalan ng pag-asa." Tanong ko kay Dash na kasalukuyang pinupunasan ang pawis ko sa mukha.

Inihinto niya ang ginagawa at tinitigan ako sa aking mga mata. "Of course baby, makikita natin si Dindin. Wag kang mawawalan ng pag-asa, hmmm?" Hinalikan niya ako sa noo at hinawakan ng mahigpit ang kamay ko. "Don't worry too much baby, we will do anything to find her."

"Thank you, Dash!" Masuyong sabi ko sa kanya. Nagpapasalamat ako dahil lagi siyang nasa tabi ko para suportahan ako at hindi niya ako kailanman iniwan sa ganitong yugto ng buhay ko.

"You're always welcome, baby. Gagawin ko ang lahat para matulungan ka, sa kahit na anong paraan pa 'yan." Sagot niya na ikinatuwa ng puso ko.

I hugged him tight. Mabuti na lang nandito siya para pagaanin ang bigat na nararamdaman ng kalooban ko. "I love you."

I heard him chuckled. "I love you most, baby. Alam mo yan!" Naramdaman ko ang paghigpit ng yakap niya sa akin.

"Ehem.ehem!" Napahiwalay ako ng makarinig ako ng sunod-sunod na pagtikhim sa aking likuran.

Si Harper na may hawak na dalawang bottled water.

"Hi Le-leader. Hi Jazze. T-tubig? Hehe-he." Pakamot kamot na sabi niya habang inaabot yung dala niyang bote ng tubig na nakalagay sa plastic.

"Sarap mong batukan, Harper! Tss." Nagngingitngit na sabi ni Dash na siyang ikinatawa nila. Siniko ko naman ang loko. Parang timang eh!

"Thank you, Harps." Nakangiting sabi ko sa kanya at inabot ang plastic. Sinaluduhan naman niya ako, bago bumalik sa pwesto ng ibang Superiors na kasalukuyang nakaupo sa ugat ng puno.

Hinapit naman ni Dash ang bewang ko papalapit sa kanya. Dito naman kami nakaupo sa paanan ng puno na nasa harapan nila.

"HAHAHAHA! Bitin na bitin na naman si Leader. Galing mo bro!" Tumatawang sabi ni Jackson ng makalapit si Harper sa pwesto nila. Nakita ko pang nakipag-appear siya sa huli. And yes! Tumatawa na po si Jackson.

"Harper, ang dakilang extra. Bagay na bagay. HAHAHAHAHA!" sulsol naman ni Kent. At isa pang OO! Tumatawa na din po siya. Sa wakas, tao na silang dalawa ni Jackson! Yung baby ko kasi minsan tao minsan alien! HAHAHAHA! Sssshh! Wag kayong maingay.

"Ngumingiti ka na naman ng walang dahilan baby. Ang creepy mo!" Narinig kong bulong ni Dash.

"Creepy pala huh?" Nakangising sabi ko sa kanya. Etong bagay sayo!

"Araaay, baby!" Daing niya ng kinurot ko siya ng pinong-pino.

Hahahahaha! Buti nga sayo, baby.

Narinig ko ang malalakas na tawanan ng barkada, pero bigla din silang tumahimik ng may isang hindi magandang aura kaming naramdaman. Tumayo kami mula sa kinauupuan at naging alerto sa kung kanino mang aura nagmumula iyon.

Princess of the Mystique KingdomBasahin ang storyang ito ng LIBRE!