Teaser/Author's Note

5.9K 78 7


TEASER:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin. Upang magpatuloy sa paglalathala, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

TEASER:

Si Maya Evangelista, 23 years old, artist, barista.

Si Benjamin Contreras III, 31, businessman.

At si Noel Buenaventura, 23, may-ari ng isang advertising agency.

Darating si Benjamin sa buhay ni Maya sa panahong handa na siyang magmahal muli; si Noel, magbabalik kung kailan pilit nang kinalimutan ni Maya ang lahat ng tungkol sa kanila.

Nabuhay si Maya sa pag-asang si Noel ang para sa kanya hanggang sa huli. Pero nakilala niya si Benjamin, who happens to be the most attractive man she'll ever meet. Ngayon, kailangan niyang mamili sa pagitan ng isang luma, at isang bagong pag-ibig.

Ano nga ba ang mas mahalaga? Ang isang pag-ibig na habang-buhay mong inasam o ang bagong pag-ibig na noo'y pangarap lang?

~~


The Girl From The Coffee Shop 1

Copyright 2016 © by sillycee

All right reserved. No part of this novel may be copied, or transmitted in any form without the written consent of the author. This material is a work of fiction. Names, incidents, places and dialogues are purely coincidental.

~~


AUTHOR'S NOTE

Ang The Girl From The Coffee Shop 1 ay ang pinakauna'ng nobela na natapos ko. Ito rin ang unang nobela ko na nai-publish sa Tagalog Online Pocketbook (TOP) website at talaga namang abot hanggang langit ang pasasalamat ko sa bumubuo ng TOP lalung-lalo na kay Bossing Foo na siyang naging tulay para matupad ko ang pangarap kong mabasa ng mas nakararami ang mga naisulat kong nobela.

Sinubukan ko itong ipasa sa isang pubhouse ng parehong taon (2008) pero rejected ito dahil hindi raw p'wede ang nobela na nasa 1st POV at hindi happy ending. Pagkaraan ng ilang taon ay ni-revise ko ito (ginawang happy ending) at muling ipinasa sa isa pang pubhouse pero rejected pa rin dahil masyado raw 'masalita' at dahil sa panahon iyon ng kasikatan ni 'Maya' ng Please Be Careful With My Heart teleserye, hindi raw malayo na mai-associate ang pangalan ni Maya ng TGFTCS kay Maya ng PBCWMH.

At sa ikatlong pagkakataon, ni-revise ko muli ang nobela (3 parts) at muling susubukang ipasa sa pubhouse – dahil hindi ako basta-basta sumusuko at ang makita ang TGFTCS series na maging libro ay isa sa mga pangarap ko sa buhay.

This is the revised and improved version of TGFTCS 1. Sana po ay ma-enjoy ninyo ang pagbabasa mula part 1 hanggang part 3 katulad ng pagka-enjoy ko sa pagsusulat ng mga ito. Sana rin, makapagbigay kayo ng komento o suhestiyon para lalo pang mapaganda ang mga nobela. Maraming salamat!

~~

The Girl From The Coffee Shop 1 (COMPLETE)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!