Day 1820 : Tour

7.6K 285 30

Tour

-----

"Wait. Pamilyar na 'tong way na 'to sa 'kin a!" sabi ko na lumingon kay Ash habang nagda-drive siya. We were inside his car, on our way to our date.

Ngumiti lang siya at 'di nagkomento kahit na sinisingkitan ko siya ng mata. Kanina pa 'ko nangungulit at nagrereklamo kasi ilang oras na kaming nasa kalsada pero 'di niya sinasabi kung saan talaga kami papunta.

"Are we going to Davis? Ha? Doon?" kulit ko uli at dumikit sa tagiliran niya.

He chuckled. Napatanga naman ako! Gosh, kainis! Ang sexy niya tumawa! Ang hirap magkunwaring galit.

"Ano na namang titig 'yan, Miss?" untag niya. "Delikado 'yan kapag natatahimik ka bigla."

"Bakit, ha? Natatakot ka, ha? Ano kayang iniisip ko no?" pangungulit ko sa kanya at tumawa nang mahina. I want to kiss him again! Argh!

Napalunok ako.

Tumawa lang siya uli. I know he's taking a hint. Si Ash kasi, parang may mata sa 360 degrees niya. He knows how I move and what those movement meant. Kaya malamang, tinitikis niya lang ako ngayon kahit alam niya kung ano'ng gusto ko.

This guy seriously loves to be smothered.

I leaned in to him and kissed him on the cheeks. Tatlong beses. Tapos, pinahid ko ng daliri ko 'yung lipstick mark na naiwan sa pisngi niya. Buti na lang at hindi ako nag-red lipstick.

Nang huminto sandali 'yung kotse sa traffic light, lumingon siya sa 'kin at walang babalang kinawit ang baba ko para bigyan ako ng halik. It was soft and sweet. Parang cotton candy.

Bumuntong-hininga ako pagkatapos. Bumalik siya sa pagda-drive.

Is it a blessing or a curse? Kung 'yung super crush ko noon, na boyfriend ko na ngayon, ay super crush ko pa rin?

"We're going to Davis, Miss. I have a lot to show you," sabi niya na ngumiti sa 'kin.

"Okay," sagot ko. Kinagat ko 'yung lower lip ko para hindi masabi 'yung nasa isip ko. Kasi kahit saan kami pupunta, magiging masaya ako. Basta kami 'yung magkasama.

***
"Teka. Papasok tayo sa loob?" tanong ko kay Ash. Hawak niya 'ko sa kamay at iginigiya papasok sa bar and restaurant na kilalang-kilala ko - 'yung resto ni Tito Benny. Do'n ako madalas kumain at tumambay.

"Yes. We're going inside," sagot ni Ash.

Hindi pa 'ko nakapag-prepare ng kahit na anong greeting nang itulak niya ang wooden door at umapak kami sa rustic mahogany tiles ng lugar. Tito Benny's resto feels like a country resto lost in the middle of the city. Rustic mahogany at wood brown ang dominant na kulay kahit na concrete ang buong lugar. May bar counter na pa-square at nasa gitna ng floor. Gawa sa old wood ang mga wall decor. Gawa rin sa hollowed tree trunk ang nagsisilbing holder ng kubyertos at patungan ng baso. Pang-apatan hanggang animan ang mga mesa. Malamlam na dilaw ang naglalarong ilaw.

"Oh! You came..." bati ni Tito Benny na para kay Ash yata. Natigilan lang ito nang higitin ako ni Ash sa tagiliran niya. 

"This time I came with her," sabi ni Ash.

Tumango ng approval si Tito Ben. Nagngitian silang dalawa. Tapos, hinila na uli ako ni Ash para maupo sa isa sa mga dulong table doon.

"Dito tayo magdi-dinner?" I asked him.

"Yes," aniya. 

Luminga ako sa mangilan-ngilang tao. Nangunot ang noo ko nang mapansing mula sa kinauupuan namin, sa siwang ng bar counter ay sipat ang madalas kong pwestuhan sa resto. 

Goodbye Girl : Days To Forget (Day Book)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon