PRESENT
"Attention all passengers of Flight 10922 bound to Philippines please proceed to gate 10". Nilagay ko ang headphones ko going to the designated gate. Finally they announce the gate number!

Hi, I am Althea Guevarra. I'm on my way home to Philippines. Happy but nervous at the same time.

Habang bina-browse ko IG dahil bored na bored na ako at nakikinig ng kanta from my playlist. I saw her post "And I said Yes". Natulala ako sa nakita ko, di ako makakurap. Para akong sinaksak ng lang beses. Akala ko kaya ko na, di pa pala. Isa akong silent follower nya sa IG. Di ako puedeng magpakita sa kanya. Tulala pa rin at di makapaniwala. Sa wakas dumating na ang eroplano, naupo ako... Pinuntahan ako ng stewardess para i-remind para ilagay ang seatbelt, because we are about to take off. Para kase akong nakalutang, blanko ang isip ko, pero ang sakit ng dibdib ko. Nung pumikit ako bigla na lang tumulo ang luha ko. Ang sakit-sakit. I can't explain the pain I'm feeling right now. As I closed my eyes while crying, nakikita ko yung photo ng kamay nya with a diamond ring na hindi maalis sa isip ko. Sigh.. Ng biglang may tumapik sa balikat ko. "Miss nasa Pilipinas na po tayo". Oh God, nakatulog na pala ako ng ganun katagal. Sa pagod siguro pag-iyak.

Pagbaba ko sa eroplanao.. isang malalim na buntong hiningan. After 5 years sa Singapore ngayun lang ulit ako umuwi sa Pilipinas. Nagtrabaho ako as Creative Director sa isang kilalang advertising firm sa Singapore. Well, I must say life in Singapore is not easy. Pero marami akong nakilala at naging mga kaibigan. But most importantly, it taught me a lot of things. I became independent in all aspect of life at panindigan lahat ng desisyon ko.. and that includes leaving my greatest love.

I was waiting for my luggage, ng may dalawang lalake na lumapit saken. para silang mga bouncer sa bar, naka all black and sunglasses. Kinuha sa akin yung mga gamit ko, napatingin na lang ako, "Ma'm Althea, kami na po dyan sa mga gamit nyo" "What the hell?! Akala ko kung anu na!" Natawa lang ang dalawang bouncer este bodyguards.. "Tara na po Ma'm". Sumunod na lang ako sa kanila. Pagkalabas ko ng airport nakita ko si Kuya Bernard (family driver namen, for almost 15 years). Napayakap ako, at nasabing "Namiss ko po kayo Kuya Bernard!" (He's about 50 years old). "Na-miss din kitang bata ka!" sabay gulo sa buhok ko at natawa.. And he asked me.. "Anu ikaw ba magmamaneho ng baby mo?" Napa-WOW ako dahil dala nya ang baby ko, miss na miss ko na sya. Si Stan, my Mustang gt 500 muscle car.. my baby. YES kuya, ako magdrive kay Stan! We're on our way home.. walang traffic kase my police escort sa harap namen, going to home to Alabang.

I'm Althea Guevarra, anak ni Mr. Felix Guevarra. He's one of the richest businessman sa Pilipinas. He owns a lot of bars and restaurants. I was born with a silver spoon in my mouth. Lahat na yata ng gusto ko nakuha ko. But my mother, Mrs. Lanie Guevarra, sya ang nagturo saken to be humble and discreet of what I do and the people around me. Hindi lahat tugkol sa pera, yan ag turo nya. That's why I love her so..

Sa loob ng village, napatigil ako sa isang bahay, mga 3 blocks away from our house #214. Bumaba ako sa sasakyan, tinanggal ko ang salamin ko. Andyan kaya sya? Dyan pa kaya sila nakatira? My bestfriend... We almost grew up together. How I wish I can just turn back time.. Sigh.. Bumalik ako sa sasakyan, nagbuntong hiningan.. Saan na kaya sya?

Now I'm standing I front of our house. Looking at it with my signature smirk. Bumalik na nga ako, totoo na ito. I'm back pero ibang Althea na ako. Nakita ko ang mga kasambahay namen na sumalubong sa akin. "Althea!" Yumakap sila saken, close ako sa kanila dahil sila ang madalas na kasama ko noong busy ang mga magulang ko sa mga businesses nila. "Hello po! Kumusta po kayo?". Nang natanaw ko ang mama ko na papalapit... para akong bata napatakbo ako sa kanya, at yumakap. Without saying a word niyakap ko lang ang Mama ko... Sobrang higpit.. "Sobra kitang na-miss Anak, salamat at bumalik ka na"

Nasa bahay na nga ako..

On my way homeBasahin ang storyang ito ng LIBRE!