Chapter 72 (November 21, 2011)

871K 10.8K 1.7K
                                    

DATE POSTED: November 21, 2011


Chapter 72

What??!!

Hindi mapaniwalaan ni Kent ang narinig. Gusto niyang itanong ulit kung tama ba ang narinig niya, pero natatakot din siyang ulitin ito ni Phoebe at makumpirma niya ang totoo.

"Ano bang sinasabi mo anak? You've just... you've just lost your... child, tapos iyan na ang sinasabi mo??" narinig niyang nahihirapang sagot ng tatay nito.

"Ayoko na pa... Please papa... Isama mo na ako... Kahit saan..."

"No.." bulong ni Kent sa sarili habang nakakuyom ang kamao. Awang awa siya kay Phoebe at sa sarili niya. Pero nakakaramdam na rin siya ng kakaiba. Iba na kasi ang narinig niya. Hindi na lang basta-basta problema, kundi diborsyo na.

"Phoebe you can't do this! You have to listen to me first!"  tumaas na ang boses niya habang lumalapit sa mga ito.

"Kent..." tska niya lang napansin na naroroon din pala ang ama niya. Hindi rin malaman ang gagawin sa mga oras na iyon. "Anak..." Wala rin kasing alam ang mga ito sa lahat ng pangyayari.

Sa oras na iyon. Si Kent lang ang nakakaalam ng totoo. Marahil alam ni Phoebe ang iba, pero siya lang ang nakakaalam ng lahat-lahat. Kaya apektadong apektado rin siya. Dahil sa tingin niya, naiipit sila lahat sa kung ano ang nalalaman nila.

**

Hindi maitatanggi ni Phoebe na nagulat siya. Nandoon na rin kasi si Kent.

"Oh ayan na pala si Kent eh... Bakit kung anu-anong sinasabi mo Phoebe..." maya-maya'y mahinahon na sagot na naman ng tatay niya.

"Pa... Please..." humarap siya dito. Pagod na siyang umiyak. Pero di pa rin yun tumitigil. Parang may kusang nagpapaluha sa kanya.

"Phoebe naman! Just listen to me! For once." Narinig niyang sigaw ni Kent mula sa di kalayuan. Mabuti na laman walang gaanong tao sa parte na iyon ng sementeryo. Malaya nilang masasabi ng malakas ang mga gusto nila. "Ano bang pinagsasasabi mo... Nawalan din ako!"

"Mag-usap kayo... Di ko alam kung ano pang mas malaki niyong problema pero mag-usap kayo..." bulong na naman sa kanya ng ama.

"Ayoko na Kent... Ayoko na... Please lang... kahit ito lang..." sa wakas nasagot niya rin ito. Pero hanggang doon lang, ayaw niya ng makinig. Galit siya. Pagod at parang wala ng laman ang pagkatao niya. Niyakag niya ang ama para umalis na.

**

Para namang nauupos na kandila si Kent sa kinatatayuan.

"You're asking for too much!! Makinig ka! Everything you saw... Wala yun! Pa!! Hwag naman ganito! I'll explain! The videos! Sa movie yun!! The other one... I was drunk!! Pa!! Phoebe naman!!!" habol niya sa mga ito na papaalis na. Pero pinigilan siya ng ama.

"Calm down... Pagpahingahin mo muna... She's just sad and---"

"Phoebe naman! You're being unfair. You have to listen to me! Yun lang yun... PA!" habol niya pa rin sa mga ito.

"You'll talk.. Okay?? But not now... I don't know anything about the videos, pero not now Kent. Magpahinga muna kayo... Okay Phoebe?" sa huli ay assurance ng tatay ng asawa niya.

Pero nakita niyang umiiling si Phoebe. Palayo. Palabas ng lugar na iyon.

**

Wala na siya sa sarili. Kasama niya ang ama na wala pa ring imik. Nahihiya na rin siya dito pero doon muna siya nakituloy matapos ang mga nangyari sa sementeryo.

Secretly Married (Completed, 2011)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon