Chapter 15.2

//

ALISHA's POV

Hindi ko na pala namalayan ang pagtigil sa pag ikot ng ferris wheel. Bumaba naman kami agad ni Daniel pero after nun, hindi na niya ako kinausap muli. Hinintay na lang namin bumaba sina Chris at Allyssa.

Nagulat na lang ang lahat ng makababa si Chris dahil agad itong lumapit kay Daniel at sa isang iglap, sinuntok ito. Nanlaki ang mga mata ko sa sobrang gulat.

" Guys! Stop! Nasa public place tayo! Mahiya naman kayo " awat sa kanila ni Allyssa.

Hindi na lang ako umimik. Tumingin ako kay Chris, halata sa mga mata niyang nanlilisik ang galit habang nakatingin kay Daniel.

Agad akong lumapit kay Chris at hinatak siya palayo. Lakad lang kami ng lakad at nang makalayo na kami, as in malayong malayo, kinausap ko siya.

" bakit mo naman sinuntok si Daniel? " tanong ko sa kaniya.

" Ako kasi dapat kasama mo sa ferris wheel diba? Gago kasi siya. " sagot naman niya. halata padin sa boses niya ang galit.

Oo. Gago talaga si Daniel. Inaamin ko yun dahil sa sinabi niyang hindi niya ako kayang mahalin. Masakit.

" Wag na nga lang natin pag-usapan si Daniel. Nababadtrip lang lalo ako. " sagot ko naman sa kaniya.

" Bakit ka naman nababadtrip? Sabihin mo nga sakin, may nangyari ba nung magkasama kayo sa ferris wheel? " tanong ni Chris habang nakatingin siya sa mga mata ko ng diretso.

" Ha? Wa-wala no! " sagot ko naman tsaka ko ulit siya hinila para makauwi na kami.

Nang makauwi na kami, agad kaming pumasok sa bahay. Agad naman kaming sinalubong ng kapatid ko na si Princess.

" Kuyaaaaa! Andito na si ate Alisha at si kuya cute! " sigaw ni Princess. Wait. A-ano daw?

" Cute daw ako oh. " sabay tumawa si Chris.

" Masaya ka na? Eh nagsisinungaling yang batang yan no, asa pang cute ka. " pang iinis ko sa kaniya habang tumatawa ako.

Bigla namang nagpout si Chris na medyo nakapagppakilig sakin. Oo, inaamin ko. Cute talaga siya kaya ako kinikilig ng bahagya.

" Hi kuya. " bati ko kay kuya Tj tsaka ko siya niyakap.

" Musta ang EK? " tanong niya sa amin ni Chris.

" Ahh ehh.. okey naman po. " sagot ko.

" Anong okey? Nakakainis po kaya si Daniel. " sagot naman ni Chris. Halata talaga na hanggang ngayon, hindi pa siya nakakamove on sa nangyari kanina.

" Oh? Bakit naman? " tanong ni Kuya.

Hindi ko na sila pinakinggan sa mga sumunod na pinag usapan nila. Sadyang pagod na kasi ako at gusto ko lang kalimutan yung nangyari kanina. Agad naman akong umakyat sa kwarto ko at humiga sa kama.

*vibrate vibrate*



Napaupo naman agad ako at may tumatawag kasi, galing sa unknown number. Sinagot ko naman ito.

" Hello? "

" Alisha. " boses ng isang babae.

" Sino toh? "

" Stay away from my son. "

" Ha? Sino po ba to? " bakit stay away from my son?

" I'm Daniel's mother. You're his bestfriend right? "

" Ako nga po. "

" Then starting tomorrow. Please, stay away from him. "

" Bakit naman po? " bakit ko naman kailangan lumayo sa bestfriend ko?

Pero sa halip na sagutan niya ang tanong ko. Binabaan lang niya ako.

stay away from my son



stay away from my son



stay away from my son



stay away from my son

Nagpaikot ikot ang mga salita na yan sa utak ko. Nanay ba ni Daniel ang dahilan kung bakit hindi niya ako pwedeng mahalin?

Haaaay! Sirang sira na tuloy ang araw ko.Kanina, I cant love you. Tapos ngayon, Stay away from my son.

Hindi naman ako bad influence kay Bhess diba? Pero kung ito yung gusto ng magulang niya. Gagawin ko kahit mahal ko siya. Kahit masakit.

**

Dalawang araw ang lumipas, pasukan na naman namin. Hanggang ngayon, hindi padin ako nakakarecieve ng text at call. Baka nga iniiwasan niya nga ako.

Narinig ko bigla na may nagdoorbell kaya agad akong bumaba.

" Kuya Tj, pasok na ko ha. " sabi ko habang tumatakbo papalabas ng pinto.

Agad bumungad sakin si Chris, " Hello prinsesa. " sabi niya sakin. Sinuklian ko naman ito ng isang matamis na ngiti.

Papunta na kami ngayon sa school sakay ng bike. Si Chris ang nagmamanebela habang ako ang nakaangkas sa likod at nakahawak sa bewang niya. Bahagya na naman akong kinikilig.

Mabilis din naman kaming nakarating sa paaralan.

" Anong meron at nagkukumpulan ang mga students? " nagulat kong sinabi

" Si Daniel lang 'yan for sure. Siya lang naman kasi ang pinagkakaguluhan dito diba? "

[ play the song on the right ] ~~~~>



Minsan di ko maiwasang isipan ka,

Lalo na sa t'wing nag iisa,

Ano na kaya balita sayo,

Naiisip mo rin kaya ako.

Tinignan ko kung sino yung nakanta na pinagkakaguluhan.

Simula nang ikaw ay mawala,

Wala nang dahilan para lumuha,

Damdamin pilit ko nang tinatago,

Hinahanap ka parin ng aking puso,

Parang kulang nga kapag ika'y wala

Napansin ko na lang bigla na nagtitinginan na pala sa akin ang ibang mga estudyante.

At ihiling sa mga bituin,

Na minsan pa sana ako'y iyong mahalin,

Ihiling kahit dumilim,

Ang aking daan na tatahakin

Patungo... sa iyo ♫

Tapos tumingin si Daniel sa akin. Parang tumigil ang puso ko sa pagtibok.

Pero naalala ko na hindi dapat ako magpaapekto sa ginagawa niya dahil ipinangako ko sa sarili ko na hindi ko na siya papansinin. Hinding hindi na.

--

vote and comment <3

Ang Sikat kong Bestfriend [Fin]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!