Chapter 50

101K 2.6K 194
                                    

Chapter 50

Pinanonood ko sina Jillian at Dash nang maramdaman ko ang pagpulupot nang kanyang braso sa aking baywang. Nasa Manila na kami ngunit ayaw pang humiwalay sa amin ni Jillian.

"Go home now... kakain pa kami nila Tami." Nakasimangot na sabi ni Jillian kay Dash.

Bumaba na rin sina Hera sa van na sumundo sa amin sa airport. Si Siren ay tahimik lang na nakamasid sa amin.

"Where are we gonna eat?" Tanong ni Zeus.

Dumaan muna kami sa mall dahil pare-pareho na kaming gutom.

Pinisil niya ang baywang ko kaya't hinarap ko siya. Seryoso ang kanyang mukha.

"Let's go inside. Sa loob na lang tayo maghanap ng makakainan." Hinila niya ako papasok.

Pinagapang ko rin ang kamay sa kanyang baywang. "Inis ka pa rin? Napag-usapan na natin 'to kahapon diba?"

"Nakatitig ka na naman kasi sa lalaking 'yon." Nalukot ang kanyang mukha.

Hinalikan ko siya sa pisngi dahilan nang pagtigil niya sa paglalakad. Nabitawan niya ako. Pinagdaop ko ang aming mga kamay at ako naman ang humila sa kanya.

Pumasok kami sa restaurant na napili ko. Humanap kami ng table na kakasya kami.

Hindi nagtagal ay pumasok na rin sila. Pinag-isod niya ako ng upuan. Umupo siya sa aking tabi, kaharap sina Jillian at Dash samantalang si Siren ay sa kaliwa ko.

"Damn, sumama ka pa kasi-"

"Jillian!" Nilingon siya ni Dash.

"What? Pagsasabihan mo na naman ako sa pagmumura ko? Kung nababadtrip ka sa akin, mas badtrip ako sa mukha mo!" Umismid siya.

Hindi nagsalita si Dash at umigting ang panga. Inangat niya ang tingin sa akin kasabay nang pagdating ng waiter.

Umiwas ako at hinarap si Altamirano. He's watching him with stolid face.

Tumikhim ako kaya't nabaling sa akin ang kanyang atensyon. Hinawakan ko ang kamay niya sa ilalim ng mesa.

"Let's order." Sabi ko.

Halos isang oras pagkatapos naming kumain ay nagyaya na si Hera. Si Serenity ay tulog na at buhat ng kanyang daddy.

Iginala ko ang tingin. Muntik ko nang makalimutan na artista nga pala ang pinsan ko.

"Don't remove your shades. You're attracting too much attentions." Pinasadahan ko ng haplos ang aking buhok.

"I think they're not looking at me, but at them." Isa-isa niyang tiningnan ang mga lalaking kasama namin.

Tumigil ang mga mata niya kay Zeus at niyakap ang baywang nito.

Napangiti ako sa sayang sumingaw sa mga mata niya at ni Zeus. They're evidently inlove with each other!

Inilapit ni Zeus ang mga labi sa tainga ni Hera. May ibinulong siya dito. Naiilang na iniwas ni Hera ang tingin sa akin kasabay nang pamumula ng kanyang pisngi.

Don't Play With Fire (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon