CHAPTER 160

2.6M 66.8K 58.5K
                                    

DEIB'S POV

"Deib.."

"Deib..??"

"M-Mmm??" ungol ko pa.

"Deib.."

Dinig ko ang munti'ng boses ng isa'ng babae.

Pero ultimo'ng diwa ko ay sabik pa'ng magtuloy sa pagtulog, kaya naman sa kabila ng pag-ungol ko'ng 'yon ay nakatulog muli ako.

"Deib.." pag-uulit niya at naramdaman ko na ang marahang pag-uga niya. "Deib, gising na si Tob.."

NAPABALIKWAS AKO NG BANGON!

Gulat ako'ng napatingin sa pinanggalingan ng boses na 'yon!

"M-Michiko.." naiusal ko.

"Gising na si Tob.." pag-uulit niya pa. Bakas ang magkahalong tuwa, lungkot, puyat at pagod sa itsura niya.

"T-Talaga?!" hindi makapaniwala'ng tanong ko at naluluha'ng napatango naman siya! "B-Buti naman.."

"Tara na.." yaya niya at maglalakad na sana ako nung mapalingon ako sa kama ni Taguro.

WALA SIYA!

Hindi ko maintindihan ang bigla'ng naramdaman ko.

Nagulat ako pero KINAKABAHAN ako!

"Nasan si Taguro---"

"Halika na, hinihintay ka ni Tob.." pigil sa'kin ni Michiko kaya naman iiling-iling pa'ng napasunod ako sa kaniya.

Baka nandoon si Taguro.. Tch! Hindi man lang ako ginising!

Halos patakbo kami'ng naglakad ni Michiko papunta sa ICU.

Masaya'ng sinalubong kami ng parents at grandparents ni Tob pero hindi ko na sila naisa-isa pa'ng kausapin. Agad ako'ng tumakbo papalapit kay Tob.

Ang lahat ay halos naiiyak sa tuwa!

Hindi ko naman napigilan ang sarili ko'ng maging emosyonal nung tuluyan ko'ng makalapit sa kaniya.

"Tobiii!" malakas na sigaw ko pa nung makita ko'ng bagaman mukha'ng hina'ng hina ay nakadilat nang talaga siya!

Ramdam ko ang mabilis na pangingilid ng mga luha ko!

"D-Deib.." hina'ng hina pa'ng usal niya. Hindi ko napigilan ang sarili ko'ng lumapit ng todo sa kaniya at bahagya'ng mapahawak sa braso niya.

"B-Buti, dre.. n-nagising ka na!" naluluha munit masaya'ng sagot ko pa at ngumiti siya.

"P-Pucha, w-wala man lang g-gumising sa'kin.." biro pa ni Tob at natawa naman kami.

"Hahaaha!" malakas na tawanan namin.

"A-Ang sabi ng d-doktor ay m-malaki'ng milagro ang paggising niya ng ganito'ng kaaga.." mahina'ng sambit ni Michiko at nilingon ko naman siya. "I-Inaasahan naman nila'ng gigising pa siya pero.. h-hindi ganito'ng ka-aga.." dagdag niya pa at napalingon naman ako kay Tob.

"H-Hindi mo alam dre, kung gano mo kami napasaya.. L-Lalo na 'ko.." naluluha na talaga'ng dagdag ko. "A-Akala ko h-hindi ka na gigising! H-Hindi ko kaya'ng mawalan ng i-isa'ng luko-luko'ng tulad mo sa buhay ko.." at kusa'ng tumulo ang luha ko.

HE'S INTO HER Season 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon