Prologue

417K 4.4K 230





Prologue



HER P.O.V :

I once believe in love, pagkatapos non hindi na naulit pa.

Akala ko talaga siya na, akala ko we have a perfect relationship na talaga namang kaiinggitan ng marami. Relationsht pala.. Four years..hindi biro ang pinagsamahan naming dalawa, siya lahat ng first ko but we end up hurting each other nung malaman niyang buntis ako.


"Ipalaglag mo yung bata. Sht! Magagalit ang parents ko nito kapag nalaman nilang nakadisgrasya ako!" What? Nakadisgrasya? Girlfriend niya ako!


"Nababaliw ka na ba Leo?! Dugo nating dalawa ang pinag uusapan dito!!" Sigaw ko sakanya!


Halos mahilam na ang mata ko sa luha para lang magmakaawang panagutan niya ako. Akala ko matutuwa siya kapag nalaman niyang magkakaroon na kami ng anak, hindi pala.



Tama nga sila kung ano yung mga bagay na ineexpect mo, yun pa ang hindi magkakatotoo.


"Marie..I'm sorry, pero ako nalang ang nag iisang tagapagmana ng kumpanya namin, hindi ko silang pwedeng biguin.." Marahas niyang binitawan ang kamay ko at iniwan akong mag isa sa kalsada!


Dammit! Kahit anong gawin kong sigaw ng pangalan niya hindi niya ako nililingon!



Alam ko nabigla lang siya. Bukas kakausapin ko siya ulit.. Mahal niya ako, kaya nga tumagal kami diba?


_____

HIS P.O.V :


Hindi ako naniniwala sa love. Psh, kalokohan lang yan. Pero kinain ko lahat ng sinabi ko ng isang beses matitigan kong mabuti yung mukha niya.


Napamura nalang ako sa isip ko at nasabing.

"Love at first sight? Second sight? Third sight?" Tangina ang corny diba?


Kung nung mga bata palang kami inaasar ko na siya dahil ang taba taba niya, ngayon namang malalaki na kami hindi ko akalain na palihim akong naglalagay ng sulat sa locker niya..

Misha...

Palagi siyang tumatakbo sa puso at isip ko. Oh tangna diba napakakorny ko?


Fourth year high school ako ng magtapat ako sakanya, bali first year college naman siya. Oo! Mas matanda siya ng isang taon saakin, hinintay ko pa talagang gumaraduate siya bago ako magtangkang manligaw sakanya, ayoko namang ulanin siya ng tukso sa school dahil nililigawan siya ng isang nerd na katulad ko.


Nakakagago kasi eh, sobrang kapal ng salamin ko na kulang nalang mabulag na ako. Nakabrace din ako na sobrang sakit talaga sa gilagid. Kung dati siya ang palagi kong inaasar, naiba naman yon nung naghigh school kami. Ako naman ang inaasar ng lahat.


"Sinasagot na kita Drake." Halos lumundag ang puso ko ng marinig ko yan mula sakanya!


"Talaga Misha?!!" Sigaw ko, ngumiti siya at tumango tango. Lahat ng tao sa school nila nakatingin saamin dahil na rin bigla ko siyang niyakap.


"Yuck.. Ang nerd naman nung yumakap dun sa babae.." Hindi ko pinagbigyang pansin iyon, ang mahalaga saakin yakap yakap ko ang babaeng kauna unahang nagpatibok ng puso ko.



Isang buwan ang lumipas, monthsary nanamin, pinuntahan ko siya sa school nila para bigyan siya ng bulaklak...masaya na sana..kung hindi ko lang narinig ang pag uusap nila ng kaibigan niya.


"So, nagawa mo na yung pustahan Misha! Ito na yung prize!" Masayang masayang banggit ng kaibigan niya, sa pagkakatanda ko school mate ko rin noon ang kaibigan niya.


"Guys..masasaktan si Drake." Boses niya yon. Putangina..biglang nanikip yung dibdib ko sa sobrang sakit, nabitawan ko yung bulaklak at nagbalak akong tumakbo pero dahil na rin sa luha sa mata ko at sa labo nito nadapa ako, anak ng..


"Drake?!!" Narinig kong tawag niya saakin, kaagad akong tumayo at nagmadaling makasakay sa kotse ko.


Totoo ngang may pagmamahal.. Pero magiging totoo lang yon kapag naramdaman mo yung sakit, kapag naramdaman mong parang mamamatay ka na sa sobrang sakit.

****

Yow! Haha.. Ito po yung Prologue ng story nila Marie :) sana suportahan niyo rin ito kagaya ng pagsuporta niyo sa 'Akin Ka' :) .. Pero ito nalang muna ang ipopost ko ha? Bali pasilip lang muna ito, tatapusin muna natin yung 'Akin Ka' ;)

ATE ABO..

Just Fall In Love Again (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!