"Sir may bisita po kayo" 

Nawala ang atensyon ni Caleb sa pinirmahang dokumento ng pumasok si Karl. Ang bago niyang clerk. Tama lalaki na ang kinuha niya. Loyal na kaya ang puso niya kay Jenna.

Speaking of Jenna hindi pa niya nadadalaw ito. Ni hindi pa niya natatawagan. Magpapa miss lang siya ng konti.

Nagkataong may kabi kabilaan silang meeting para sa mga proyekto ng Sta. Monica. Napangiti siya ng maalala ang mukha ng dalaga.

"Sir!" untag ulit nito.

"Huh?" Ikiniling niya ang ulo para bumalik sa katinuan.

Tumikhim ito bago nagsalita ulit. "May bisita po kayo"

"Ano daw ang kailangan nila?"

"Personal daw ho Mayor"

"Sige papasukin mo nalang!" Utos niya kay Karl. Marahil isa ito sa mga kababayan niya na hihingi ng tulong. Nakayuko siya ng bumukas ang pinto pagangat niya ng paningin ay inihanda niya ang ngiti sa kanyang labi.

"Ano po ang maipaglili------" nabitin ang ngiti niya ng malaman kung sino ang bisita niya. Tumikhim siya "Anong maipaglilingkod ko? Please have a sit!"

The visitor smirked at sinunod siya. Umupo ito pagkatapos ay binato siya ng nagbabagang tingin. "You already knew the reason why I'm here Mayor! I'll make it straight to the point" sumeryoso ang mukha nito "Do you really love my sister?" Inilabas nito ang baril at ipinatong sa mesa niya. "Make sure magugustuhan ko ang sagot mo Mayor dahil kung hindi, hindi ako mag aalinlangang sayangin ang bala ko sayo" banta nito.

Tumulo ang butil butil na pawis sa noo ni Caleb. Pinilit niyang patatagin ang loob. Mariin siyang pumikit pagkatapos ay agad na nagmulat.

"I do love her! Love everything about her..." Sinalubong niya ang titig nito "I admit, I made her cry a couple of times! And I wanna kill myself for that. Hindi ko maipapangako na hindi ko na siya mapapaiyak ulit pero sisiguraduhin kong I'll make up to her everyday even though it takes a lifetime!" madamdaming pahayag niya dito. "So please give me a chance to prove how I much I love her"

Patuyang tumawa si Thor "You already knew our work right? We always face danger! Nakikipaglaro kami kay kamatayan at nakikipaghabulan kami sa bala"

"Yeah I've seen It with my own eyes" tukoy niya nung insedenteng may nagtangka sa buhay niya at kung paano ekpertong nakipaglaban ang dalaga sa mga ito.

"Wala pa sa kalingkingan ang nakita mo" nag uuyam nitong tanong "mamahalin mo pa ba siya kapag nakita mo na paano siya makipagbarilan sa mga sindikato at sa mga assassins? She may looked like an angel but she's not! Para sa pamilya at sa trabaho niya hindi siya nangingiming pumatay at mamatay. Kaya mo pa bang mahalin ang babaeng katulad niya?"

Hindi agad nakaimik si Caleb sa pahayag nito. Kaya pa nga ba niya mahalin si Jenna sa kabila ng nalaman?

Ngumisi si Thor ng nakakaloko "And now you already have doubt?" natawa ito ng pagak "As expected! Look Mayor I maybe dangerous, but I came here as Storm's brother. She loves you I can say that! Kilalang kilala ko siya dahil kapatid ko siya. I only want her happiness! I told you everything para magkaroon ka ng panahong mag isip. Kapag sigurado ka na sa nararamdaman ko sa kapatid ko. Our house is open for you! Pero kapag hindi ka sigurado don't ever show your face to us again!"

Tumayo na si Thor "I have to go! Have a great day Mayor!" 

Itinulos sa kinauupuan si Caleb. Kaya ba niyang tanggapin ang trabahong meron ito at ang pamilya nito? 

The Hottie MayorBasahin ang storyang ito ng LIBRE!