Chapter 58 ♥

Magsimula sa umpisa

“HMMMMMM!” pinipilit ko kumawala sa pagkakahawak ni Kyle. Kasi naman. Sino bang hindi mapapasigaw. Kasi...

Kasi....

Kasi kinikilig ako ng HARD.

Shemay!

 “Ang sabi ko I love you. Dapat, I love you too ang sagot mo at hindi sigaw.” kalmadong sabi ni Kyle habang takip pa din niya ang bibig ko.

“HMMMMM!”

He smiled bago niya ako binitawan. “Hay!” nakahinga din. Naman kasi Kyle! Bakit ka ganyan.

Tiningnan ko siya ng masama. “Bak---”

Tsup!

“KYAAAAAA!!!”

"Aray naman nobody!”

Kasi hinampas ko siya. Kasi naman. Bakit niya ako hinalikan? Kahit dampi lang yun, sa labi pa din yun. Kyaaa!

Ano ba yan. Balik na talaga si Kyle sa dati? Nangungulit na siya? At parang mas lumala pa nga.

Awtomatiko akong napatingin sa paligid. Buti nalang hindi sila nakatingin. Waaaah.

Ang PDA ni Kyle.

“Sinasapian ka ba Kyle?”

Kasi naman nakangiti pa din siya sakin tapos basta. Waaah. Ano bang nangyayari dyan.

"Oo, sinasapian ako. Kaya nga ako nauulol. Ulol sa pagmamahal sayo..”

Banat ba yun Kyle? Parang diko na-gets.

“CHELSEA!!!!!”

Napatingin ako sa pinto. At shemay! Isang masarap na ulam ang papalapit sakin. Si James pala. Haha. Akala ko ulam. Kasi, YUMMY!

Hanla niyakap ako.

Napatingin ako kay Kyle sa tabi ko.

Hala nag-aapoy na siya.

“WHO THE HELL ARE YOU?”

Hanla. Sumigaw si Kyle.

“James.” nakangiting sagot ni James. Langya nakangiti pa ang mokong. Para tuloy siyang nang-aasar.

“AT ANO KA NYA?” tanong ni Kyle na tinuturo ako.

Nasa harap kasi namin siya, nakatayo.

“New friend ni Chelsea.” nakangiti pa ding sagot ni James.

“NEW FRIEND KA LANG PALA PERO KUNG MAKAYAKAP KA AKALA MO CLOSE NA KAYO?”

Highblood si Kyle.

Palipat-lipat nalang tingin ko sa kanila. Ang mga itsura nila, ewan! Si Kyle nanlilisik na mata sa galit tapos si James, nakangiti pa din.

Smiling face talaga yan. Kabaligtaran ni Lance.

Parang naguluhan si James kaya tumingin sakin. “Boyfriend mo siya?”

“OO!!” sigaw ni Kyle.

Hanla. “Hindi, hindi ko siya boyfriend.” tanggi ko. Kasi hindi naman talaga.

Nakangiti pa din si James.

“NOBODY!”

Paktay ako. Sama ng tingin sakin.

“BAKIT KA BA NANDITO??” Lumipat ang tingin niya kay James.

Grabe kanina pa sumisigaw yang si Kyle.

“Transferee ako dito.”

“PAANO KA NAKAPASOK DITO??”

“Connection.” cool na sagot ni James.

“Eh.. Kyle..”

“HINDI KITA KINAKAUSAP NOBODY!”

Sabi ko nga. Kasi naman sasabihin ko sana na kapatid yan ni Lance. Makasigaw kasi tong si Kyle, wagas eh!

“CONNECTION HUH?”

Tumango lang si James habang nakangiti pa din. Maloloka na ako sa mga 'to.

“James?”

Nagliwanag ako nang marinig ang boses na yun. Si Lance.

“Bro!” lumapit kay Lance si James at niyakap.

Itsura ni Kyle 'di maipinta.

Kanina ko pa sana gusto sabihin na kapatid siya ni Lance kaso..

“LANCE ABELLANO, KAPATID MO YAN??”

“Half-brother.” matipid na sagot ni Lance.

“PAGSABIHAN MO YANG KAPATID MO AT IPALIWANAG MONG MABUTI SA KANIYA KUNG SINO AKO!” pagkasigaw niyan ni Kyle diretso labas sa room.

Highblood talaga. Ano bang ginawang masama ni James?

Napansin kong sabay na pumunta sina Lance at James sa likod. “Dito ka na maupo sa tabi ko.” sabi ni Lance kay James.

Napadako ang tingin ko sa pinto ng dumating si Adrian. Papalapit na siya sakin kasi diba katabi ko sya sa upuan nang...

“WAG MONG SABIHING DITO KA DIN SA ROOM NA 'TO???”

Uso sigawan ngayon. Promise! Si Adrian, napapasigaw na din eh.

“Yup!” masiglang sagot ni James.

“LANCE! PAGSABIHAN MO YANG KAPATID MO!!”

Hanla. Lumabas din si Adrian ng room pagkasabi niyon.

Earth, what's happening on you?

Bakit highblood sila?

Napatungo tuloy ako. Di na ako makatingin sa paligid.

“What's their problem?”

Narinig kong tanong ni James.

“Naki-epal ka din kasi sa pinag-aagawan nila.” seryosong sagot ni Lance mula sa likuran ko.

Anong ibig niyang sabihin?

Diko po gets. Sorry.

Bahala nga sila. Aish!

Mr. Popular meets Miss NobodyBasahin ang storyang ito ng LIBRE!