ANG NAKARAAN 3

122K 2.3K 266
                                    

"'Tay?" approach ni Andy sa byenan na lalaki na galing Saudi habang nagkakasayahan ang lahat dahil sa triplets baby. Idagdag pa ang pagpo-propose niya kay Yolly kanina.

Nagkita na silang magbyenan at nagkakilala sa airport nang sunduin nila ito last week, pero hindi sila nagkaroon ng pagkakataon na magkausap. Hinayaan muna kasi niya sina Aling Yolanda at Yolly na masolo o makasama nila ang haligi ng tahanan nila at masulit ang muling pagkikita nilang magkakapamilya. Nagkamayan lang sila noon at nagngitian nang unang magkita.

"Oh, Andy, congrats, Anak. Tatlo agad." Akbay naman sa kanya ni Mang Lino. "Salamat at binigyan mo agad kami ng tatlong apo."

Nahihiyang napahimas siya sa kanyang pisngi.

"Saka salamat dahil sa wakas ay ihaharap mo na ang anak ko sa altar. Noong nasa Saudi ako akala ko, eh, hindi kayo ang magkakatuluyan dahil ang gulo niyo. Hindi niyo alam pero updated ako sa inyo kahit nasa malayo ako," nakatawang sabi pa ni Mang Lino.

"Pasensiya na po kayo, 'Tay. Medyo naging magulo ang love story namin noon ni Yolly."

Tinapik-tapik ni Mang Lino ang balikat niya. "Naintidihan ko, Anak. Aba'y hindi mo naitatanong, eh—" Humina ang boses ni Mang Lino. Ibinulong na lang nito ang karugtong na sinasabi. "Mas magulo pa kami noon ng Nanay Yolanda mo. Alam mo bang nagpapakamatay 'yan noon. Halos mabaliw rin ako diyan sa nanay mo kaya mas matino pa rin kahit paano ang anak ko. Mas suwerte ka pa rin sa akin. Ang harsh niyan sa akin 'yang Nanay Yolanda mo baka akala mo."

Natawa siya. "May pinagmanaan po pala talaga si Yolly."

"Ah, oo."

Nagtawanan sila ng byenan na lalaki, dahilan para mas maging mas close pa sila.

Masayang-masaya si Andy dahil wala siyang masasabi sa pamilya ni Yolly. Aam niya na wala siyang pagsisisihan na si Yolly ang nabuntis niyang babae at nagsilang ng kanyang mga anak, dahil wala na siyang mahihiling pa. Magkasundo sila ni Yolly at magkasundo ang pamilya nila kaya alam niyang wala nang magiging problema. Alam niya na kahit naka-three points siya agad ay tutulungan sila ng mga ito na palakihin ang mga anak nila ni Yolly nang maayos, na gagabayan sila, na nandyan lang sila para sa mga apo nila.

"Andy, pakarga muna si Baby Princess. Dumating na 'yong gown ni Yolly. Titingnan ko rin," sigaw ng excited na Mommy niya.

Ilang weeks na silang nakauwi mula sa hospital.

"Andy, pakitingnan din dito sa crib si Baby Anne. Sisilip din ako," pakiusap din ni Yaya Chadeng din sa kanya. Tumakbo rin agad ang matanda palabas.

Napanganga si Andy. Hindi siya nakaalma. Paano ay karga na nga niya si Baby Yvette dahil nagtimpla ng gatas si Yaya Doring – ng yayang may edad na rin na kinuha nilang katulungan nila sa pag-aalaga sa mga triplets. Tapos pinakarga pa sa kanya si Baby Princess at pinatingin si Baby Anne. Ano 'to? Siya na lahat?! Ayos, ah!

Buti na lang at ang ko-cute ng mga anak niya. Hinalikan niya ng noo ang dalawang anak niyang tulog. At syempre si Baby Anne rin na nasa crib. Kahinaan talaga niya ang mga cute na mukha ng mga anak niya. Sino bang ama kasi ang makakatanggi sa mga cute na mga sanggol na mga ito? Nakaka-proud.

Isinayaw-sayaw niya nang marahan sina Baby Princess at Baby Yvette na tig-isang braso niya karga. Kaso parang nagselos si Baby Anne, biglang nagising ito at nag-iiyak.

Naalarma siya. "Luh, wait lang mga anak! Hindi ko kayang tatlo kayo!" at namoblema niyang sabi. Lagot na, hindi na niya alam kung ano'ng gagawin. Kung ibababa niya kasi si Baby Yvette ay umiiyak ito. Gayundin din si Baby Princess. Hanggang sa sabay-sabay na ang tatlong kambal na umiyak.

"Yolly, heeelllpppppppp!" ngawa na lang niyang paghingi ng saklolo. Nenerbyos na siya, eh, kaya halos nakisabay na rin siya sa iyak ng mga anak niya.

Nataranta sina Yolly, Yaya Chadeng, at Madam Angie na tinungo ang kinaroroonan nina Andy at ng mga triplets. Iyong wedding gown iniwan nila basta-basta sa living room.

BIHAG PARIN NG PANGIT (ANG NABUNTIS KONG PANGIT BOOK-2) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon