"Kuya ang tagal mo naman! Tunaw na tuloy yung ice cream na inorder naman nila Kuya Ian.." at saka nagpout naman ito.

"Stop pouting Elisha mukha kang pato.." sabi ko at saka inirapan naman ako nito.

"Pre may gig daw tayo nagtxt sakin si wifey.."sabi ni Ian habang hindi ito nakatingin sakin at mukhang busy sa pagttxt.

"Uy! Saan daw?" tanong ni Regie na may kalat pa sa gilid ng mga labi nya.

"Kila Anna daw.." sagot naman ni Ian.

"OMG! Kuya Ian can I join?" –Elisha.


Mukhang masama ang kutob ko sa gig na sinabi ni Ian ah. O sadyang napaparanoid lang ako kanina dahil kay Elica? Stop talking to your thoughts Van.


"No, hindi pwede baby girl dahil welcome party namin yun sa isa naming kabarkada kaya no outsiders allowed.." sabi ni Ian kay Elisha.

"I hate you Kuya Ian.." at saka nagpout na naman si Elisha.

"Don't worry baby girl, dadalhin ko sa harapan mo yung soon to be wi- AWW! BAKIT KA NANG AAPAK NG PAA VAN?!" inis na sambit ni Regie sakin.

"Bubusalan ko yang bibig mo Regie pag di ka pa tumahimik.."pananakot ko.

"Hay naku kuya! Kunawri ka pa e dib a si Ate Cai naman yun? If I know kuya namiss mo talaga sya ng sobra kahit hindi mo aminin samin.." at saka grin na tumingin sakin yung kapatid ko.

"I agree with that baby girl and obvious naman kasi ng kuya mo, kunware masungit pero deep inside natutuwa yan.." dugtong naman ni Regie.


Hindi ko na lang pinansin yung pang aasar nila at pinagsisihan ko na dapat hindi ko na lang sinipot itong tatlo na ito kung aasarin lang ako.


***


"Hoy lalaki nasaan na yung pinakukuha ko sayo?" inis na sambit ni Myrrh kay Regie.


Naririndi na naman ako sa iringan ng dalawang to kaya naman hindi ko na lang sila pinansin at inayos ko na lang ang tono ng gitara ko at yung iba naman may kanya-kanyang ginagawa.


"Grabe iisang paperbag lang ang pinakukuha ko sayo inabot ka na ng siyam-siyam.."

"Sorry na babe tinawag lang ako ng kalikasan kaya medyo natagalan.."

"Tigil-tigilan mo nga ako sa kalandian mo Regie, akina nga yan at sasalubungin ko sa si Elica.." at saka tinalikuran nito si Regie.



Napangisi na lang ako sa nangyari sa dalawang to, akala mo kung mag-away daig pa yung mag-asawa. Hindi pa naman nagiging sila.. Tsss..


Naramdaman ko naman na may humawak sa balikat ko kaya naman napalingon naman ako sa kung sino.


"Bro mukhang huli na yata ang lahat.." pakahulugan na sabi ni Ian sakin.


Hindi ko sya naintindihan sa nais nyang sabihin sakin kaya naman tumayo ako sa kinauupuan ko at sinundan ko na lang si Ian kung saan ito patungo. Napansin ko naman na nakapalipot sila sa kararating lang na si Elica at isang lalaking hindi ko pa nakikita noon.

Unexpected You [CGS #3]Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora