CHAPTER 47 - She lost her friend

79.4K 1.4K 47
                                    

"Anong ginagawa niyo dito ng ganito kaaga? At may props pa kayong bulaklak." Walang mababakas na ngiti sa labing tanong ni Thor, habang nakade-kwatrong nakaupo kaharap sina Caleb at Ricky Jose.

"Dumaan lang sila kuya." Sabat ni Jenna.

"I'm not talking to you, Jenna Storm." Mabilis na itinikom ni Jenna ang mga labi. Kapag tinawag na siya sa buong pangalan ng kapatid, ibig sabihin ay galit ito.

"Manliligaw."

"Manliligaw."

Nagkatinginan si Caleb at Rj ng sabay silang sumagot, nagsukatan ng titig ang dalawa.

Napangiti ng mapanganib si Thor, "Do you think It's the proper place to court my sister?"

"You!"

Napaigtad si Jenna ng bumaling at tumaas ang boses ng kanyang kuya.

"Go pack your things, now!"

"Bu------" hindi naituloy ni Jenna ang balak na pagtutol dahil sa pag-iling ng kapatid. It's a warning na hindi na siya dapat mangatuwiran.

"Go, kakausapin ko lang tong dawalang to."

Nag-aalalang napatingin si Jenna sa dalawa.

Tumawa ng nakakaloko si Thor, "don't worry sis, I won't break their bones, go pack your things."

Wala na siyang nagawa kundi ang sumunod sa kapatid.

***

Madilim ang mukhang tumayo si Thor ng makapasok si Jenna sa kwarto nito.

Kinakabahang napalunok sina Caleb at Rj.

"You two are lucky today because I promised my sister na hindi ko kayo gagalawin."

Tumapat si Thor kay Ricky, "Sabi ko na nga ba, hindi ka totoong bakla. I'm a man too, the way you looked at my sister ay hindi mo maipagkakaila." He smirked, "I will let my sister deal with you." Mariin niyang saad.

Napayuko si Ricky dahil hindi niya kayang salubungin ang mga mata ni Thor.

Si Caleb naman ang hinarap niya, "And you, I don't care kung mayor ka o presidente ka pa ng Pilipinas. Akala mo hindi ko alam na pinaiyak mo ang kapatid ko? Pasalamat ka at iniisip ko ang kapatid ko, kung hindi ay lumpo kang lalabas sa lugar na ito.

Umupo ulit si Thor at ipinatong ang mga kamay sa baba. "Sige, pumapayag akong ligawan ang kapatid ko."

Napaangat ulo sina Caleb at Ricky, nagkaroon sila ng pag-asa.

"In one condition, sa mansion ng mga Sarmiento kayo manliligaw." Thor let out an evil grin, "sangayon ba kayo?"

Natuyan ng lalamunan si Caleb kaya marahang tango nalang ang sagot niya. Tango lang din ang naging tugon ni Ricky.

Piping nagpasalamat si Caleb ng maputol ang matalim na titig sa kanila ng kuya ni Jenna dahil tumunog ang cellphone nito.

Lumarawan ang pag-aalala sa mukha ni Thor. "Why? Nasa Sta. Monica ako, susunduin ko si Jenna, what? Okay I'm coming!" Maagap na tumayo si Thor at pumasok sa silid ni Jenna.

Hindi nagtagal ay lumabas din ito sa kuwarto ni Jenna. Bago ito tuluyang lumabas ng condo ni Jenna ay huminto ito tapat nila ni Ricky. "I'll talk to both of you some other time."

Nakahinga ng maluwag si Caleb ng makaalis ang kapatid ni Jenna.

"I'm sure, It's Myrtle." Bulalas ni Ricky na pareho niya ay nakaramdam ng ginhawa ng makaalis ang lalake.

"His girlfriend?" Caleb curiously asked.

"No, his best friend."

Umayos sila pareho ng upo ng makitang lumabas si Jenna.

The Hottie MayorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon