Avrice Jazze.

"Sis, wala talaga si Dindin dito." napapailing na ani ni Mich sa akin habang nagpupunas ng pawis sa noo. 

"Sige na Michie, bumalik ka na muna sa dorm. Magpahinga ka na doon, ako na lang ang magpapatuloy sa paghahanap kay Dindin. Okay?" naiintindihan ko naman siya kung napapagod na siya, kanina pa kasi kaming alas-singko nag-umpisang maghanap. Anong oras na ba ngayon? Alas-otso na.

"Hindi, sis! Sasamahan kita pero uupo lang ako saglit, ah?" umupo siya sa isang bench, pero tumayo din siyang muli para hilahin ako para tumabi sa kaniya. 

"Pahinga lang tayo saglit sis. Tapos hahanapin ulit natin si Dindin mamaya." nakita kong sumandal siya at marahang ipinikit ang mga mata. Kitang-kita ko sa mukha niya ang pagod, pero sinasamahan niya pa rin ako sa paghahanap kay bulilit.

Thanks, Mich! I'm so happy that after all the hardships, you still chose to stay by my side.

Katatapos lang naming libutin itong buong Mystique circle. Lahat na ng sulok pinuntahan na namin. Hinanap din namin siya sa academy, pero wala siya doon. Gabi na at hindi pa rin namin siya nakikita. 

Napatungo na lang ako. Unti-unti na akong nawawalan ng pag-asa dahil kahit anong subok ko, hindi ko na maramdaman ang aura ni Dindin. Hindi ko na maramdaman ang presensiya niya. At kinakabahan na ako, baka may masama nang nangyari sa kaniya.

No, not her.

"Ganda!" napapitlag kaming dalawa ni Michie nang marinig ang sigaw ng isang pamilyar na boses. 

Nag-angat ako ng tingin para makita kung sino ba ang taong iyon at hindi nga ako nagkamali nang mapagtanto kong si Peter iyon. Kasama niya ang buong barkada. Akala ko busy sila? 

Tumayo naman kaming dalawa para salubungin sila.

"Nalaman namin ang nangyari kay Dindin. Kanina pa namin kayo hinahanap pero hindi naman namin maramdaman ang mga aura ninyo kaya hindi namin kayo napuntahan agad. Buti na lamang may nakapagsabi na isang estudyante na nandito daw kayo." imporma ni Audrey sa amin. 

Yeah! Imposibleng matagpuan nila kami dahil mas pinili kong i-seal na lang muna ang mga kapangyarihan namin ni Mich, para hindi nila malaman kung nasaan kami. Alam kong kapag nalaman nila kung nasaan at kung ano ang ginagawa namin, magpipilit silang tumulong. 

Ayaw ko namang obligahin sila palagi, nakakaligtaan na nila ang mga obligasyon nila sa kanilang mga kaharian sa sobrang abalang naidudulot ko sa kanila. Ayokong palaging dumepende sa kanila dahil may kani-kanila pa rin naman silang mga buhay na dapat asikasuhin.

"Pasensiya na, ayoko lang namang istorbohin kayo sa mga ginagawa ninyo. Alam kong madami din kayong inaasikaso." paliwanag ko sa kanila, nakita ko ang marahan nilang pagtango. 

"Nanggaling na kami sa Mystique Kingdom at hanggang ngayon wala pa din silang balita tungkol kay Dindin. Kanina pa rin namin ininform ang lahat ng kaharian para tumulong na sa paghahanap." tumango naman ako pagkatapos kong marinig iyon.

Hinanap ng mga mata ko si Dashiell at nakita ko siyang nakahalukipkip sa likod ni Jackson. Tahimik at malamig na nakatingin sa akin. Nararamdaman kong kanina niya pa akong tinitingnan pero hindi naman siya lumalapit sa akin. 

Biglang kumirot ang puso ko dahil doon. Nararamdaman ko ang pagtatampo niya sa akin ngayon, at alam ko namang kasalanan ko ito. Hindi ko ipinaalam sa kaniya kung ano ang mga nangyayari, pero may sarili naman akong dahilan. Sana lang maintindihan niya.

Napansin siguro ng barkada yung pagiging tahimik naming dalawa kaya muling nagsalita si Harper.

"You're both tired, you need to rest. Bukas ng umaga na lang ulit natin ito ituloy. Sigurado naman akong mahahanap natin si Dindin."

Princess of the Mystique KingdomBasahin ang storyang ito ng LIBRE!