Chapter 15.1

//

ALISHA'S POV 

" Ba-bakit ikaw ang kasama ko? " nagtataka kong tanong kay Daniel. Akala ko ba si Chris ang magiging kasama ko.

" Masama ba? Gusto lang naman kita makasama." sagot naman niya at dahil dun ay parang nanlamig yung katawan ko sa di ko maipaliwanag na paraan. 

" Ayoko na ikaw ang  kasama ko! Shoo! Shoo! Labas! " naiinis kong sinabi sa kaniya. 

" Paano ako lalabas? Tatalon ako? " tanong niya habang nakatingin sa baba. Oo nga naman, nasa ferris wheel nga pala kami.

Tumahimik na lang ako at hindi na nagsalita pa. Pero bigla siyang lumapit sa akin at syempre, ako naman itong lumalayo sa kaniya.

" Huy? " sabi niya.

" Bakit ba? " sabi ko naman habang nakatingin sa malayo. Ayoko kasing tumingin sa kaniya.

Nagulat na lang bigla ako nang hawakan niya yung kamay ko. 

" Da-daniel naman eh! " reklamo ko sa kaniya.

" What’s wrong Bhess? Bakit ka namumula diyan? Hahaha! I think your blushing! " pang iinis niya sakin.

" Stop it! I’m not blushing! Asa pa! " sagot ko naman habang tinatakpan yung mukha ko. 

Hindi ko na talaga maipaliwanag yung nararamdaman ko sa mga oras na ‘toh. Nagiinit yung buong mukha ko sa kilig. Bakit pa kasi niya hinawakan yung kamay ko.. Lalong naiinlove tuloy ako sa kaniya. Lalong lumalalim yung nararamdaman ko para sa kaniya.

" Uhm. Bhess? Do you remember something? " tanong niya.

Tumingin ako sa malayo habang nag iisip. Iisa lang naman ang naaalala ko.

" Oo meron. " 

 

“ Mabuti naman at naaalala mo pa. Ang saya dati diba? “ sabi niya habang nakatingin sakin.

 

“ Oo. Masaya nga noon. Pero dati lang ‘yon. “

 

" Alam ko. "

 

Alam naman pala niyang Masaya kami dati at nagbago na lahat ng ‘yon ngayon. Pero yung dahilan kaya nagbago lahat, alam niya ba? Hindi eh. Hindi niya alam kasi manhid siya. Manhid!

Ang Sikat kong Bestfriend [Fin]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!