11 - Her Nightmare

2.5K 25 0
                                    

ALENA's POV

Nang magising ako, nakadilat ang mga mata ko. Pakiramdam ko’y kanina pa gising ang katawan ko pero ang utak ko’y kakagising lang. Sunod kong naramdaman ay ang paggalaw ng kinalalagyan ko ngayon. Nasa loob pala ako ng isang taxi.

“Anong ginagawa ko rito?” tanong ko.

“Ihahatid ko po kayo sa may bahay niyo.”

Tiningnan ko ang suot kong damit. Nakaputi ako. Tiningnan ko ang sarili ko sa rear view mirror ng taxi na sinasakyan ko. Sa pagkakataong ito, nakapostura ako. Pero ibang-iba ang ayos ko. Hindi ako ganito kung mag-ayos. Pero kung hindi siguro sinira ng tatay ko ang kamusmusan ko, baka lumaki akong isang simpleng babae lang. Baka nakapag-aral ako ng mabuti o baka nakapag-aral ako sa isang magandang paaralan. Hindi ko na siguro kinailangan magtrabaho noon habang nag-aarap at papasok ng puyat. Sana nakapagpokus ako sa kursong kinuha ko. Sana kaya kong ipasa ang nursing board exam at isa na sana akong nars ngayon.

"Alam niyo ho ba kung saan ako galing?" tanong ko sa drayber.

"Hindi mo na matandaan?" Tumango lang ako. "Lumabas ka galing sa isang underwater restaurant."

Tiningnan ko ang sarili kong muli sa salamin. Lumabas na naman pala siya. Alam kong hindi ko dapat ito nararamdaman pero naiinggit ako sa kaniya. Mukha siyang masaya. Mukhang hindi kumplikado ang buhay niya at wala siyang nakaraan na paulit-ulit siyang minumulto at pinahihirapan. Nakakainggit siya. Kung hindi lang dahil sa tatay ko, naging ako sana siya. Hindi ko na siguro kinailangang maging si Alena.

Nang makarating ako ng bahay, tiningnan kong muli ang selfie ni Maria sa cellphone ko. Nasa itsura naman niya na hindi siya gagawa ng masama. Hindi kami pwedeng maghati sa katawan na ito. Kailangang magparaya ng isa.

Ilang sandali lang, nagbihis na rin ako at nag-ayos. Sunod nu’n, pumasok na ako ng opisina. Hinintay kong mag-break bago ko kausapin si Chase.

“Lumabas na naman siya," bungad ko habang nagka-kape kami sa pantry.

“Sino?” kunot-noo niyang tanong.

“Si Maria.”

Inusog niya ang upuan niya papalapit sa akin. “May naging problema ba?”

Umiling ako. “Wala naman. Pero naisip ko lang, sino kaya ang dapat magparaya, siya ba o ako?”

“Alena, hindi mo dapat naiisip na magparaya. Dahil unang-una, ikaw ang may-ari ng katawan na iyan. Hindi porque’t maganda ang naging sinasabi mong buhay niya, ikaw na ang dapat magparaya. Alalahanin mo. Iisa lang kayo. Ang mga nangyari sa’yo, nangyari rin sa kaniya. Kung ano man ang sinasabi niyang buhay niya ngayon na maganda, alalahanin mo rin na kahit siya ay ginawa lang ng utak mo para maka-survive.  Lahat ng iniisip niya ay posibleng nasa isip mo lang rin. Ang mga nangyari pa rin sa’yo ang totoo.”

Para akong sinampal ng mga salita ni Chase kung saan bigla akong nagising. Tama siya. Ako pa rin ang totoo. Si Maria, gawa lang siya ng utak ko. Kung ano man ang buhay na pinaniniwalaan niyang kaniya, pangarap lang iyon. Hindi kailanman naging totoo at hindi rin magiging totoo kahit siya pa ang magmay-ari ng katawan na ito.

“May nakuha akong promo. Magbakasyon muna tayo. Baka sakaling makatulong sa’yo na mas malinawan ka at para na rin makaisip ka ng paraan kung paano ka mabubuo ulit,” dagdag niya sa sinabi. "Si Maria ay parte mo na kailangan mong maibalik sa pamamagitan ng pagbuo mong muli sa sarili mo.

Tumango ako sa kaniya." Sige. Siguro nga tama ka."

Kung mayroon man makakatulong sa akin, alam kong si Chase na iyon. Ipinagkakatiwala ko na sa kaniya ang tungkol sa bagay na ito. Susundin ko ang mga sasabihin niya. Baka siya na nga ang susi para gumaling ako.

Nagpasa agad kami ng leave requests sa manager namin bago matapos ang shift namin. Nang matapos ang shift namin umuwi agad ako ng bahay para makapagpahinga. Parang kusang hinila ng kama ang katawan ko. Ang sarap mahiga pagkatapos ng buong araw na kumikilos. Hindi ko namalayan. Nakatulog na pala ako.

At tulad ng dati, nanaginip na naman ako.

Nakikita ko ang batang ako. Nababalot ng dilim ang paligid habang pilit na nagsusumiksik sa sulok. At ang tatay ko, nasa harap ko siya. Hindi ko man makita ang mga mata niya ay ramdam kong puno iyon ng pangnanasa.

Maya maya, bigla siyang naghubad ng damit. Dahan-dahan lumakad para mas lalong paiikliin ang distansya sa pagitan naming dalawa. Ang mga kamay niya ay humaplos sa musmos kong braso at ang labi niya ay nag-iwan ng marka sa aking katawan na hindi mabubura. Mula sa aking braso ay mas naging marahas ang paghalik niya sa aking leeg.

Napasigaw ako. Ngunit alam kong kahit gaano kalakas ang sigaw ko, walang makakarinig sa akin. Unti-unti niya akong sinakop gamit ang mga bisig niya hanggang sa nakaipon ako ng lakas na sipain siya. Tumalsik siya.

Bigla naman akong napabangon mula sa masamang panaginip na iyon.

She's Dominant (SPG/Mature)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon