Avrice Jazze.

Pauwi na ako sa palasyo ngayon at si Michie lang ang tangi kong kasama. Pinapatawag kasi si Dash sa kanilang palasyo, nagpipilit pa nga na ihatid ako kaso hindi na ako pumayag. Simula noong magpropose siya, mas lalo siyang naging clingy, which I find very sweet. I love his clingy side.

Ang ibang mga Superiors naman ay may importanteng ginagawa sa kani-kanilang mga kaharian. Hindi rin naman pwedeng takasan na lang nila ang kanilang mga responsibilidad.

"Magiging soon to be Mrs. Lockridge ka na. Ayiee!" Kinikilig na saad sa akin ni Mich. Abo't-abot naman sa tenga ang ngiti ko dahil doon.

Mrs.Lockridge. It's like music to my ears.

Tatlong araw na ang nakakaraan mula noong mangyari iyon, and until now hindi pa rin nagsisink-in sa utak ko na fiance ko na siya. I'm so lucky to have him, to have the acceptance from our friends and to have the blessings from his and my family. Noon ko lang din nalaman na brestfriends pala ang mga tatay namin ni Dashiell.  

"Pulang-pula na naman ang mukha mo. Kilig na kilig ka na naman." Tuya pa niya sa akin.

"He. Tumigil ka nga!" Natatawang saway ko. She's stating the obvious. Hahaha!

Malapit na kami at tanaw na tanaw na namin ang gate ng palasyo pero bakit parang may kakaiba? Mukhang balisa silang lahat kaya hinila ko na si Michie para makarating kaagad kami sa loob. May nararamdaman akong hindi magandang nangyari.

Malalaki ang hakbang na tinungo ko ang pinto. Nagbigay-galang naman ang mga katiwala sa palasyo na tinanguan ko na lang.

"Mama, Papa." Pagkuha ko sa atensyon ng mga magulang ko na kasalukuyang nag-uusap ng seryoso, kasama ang ilan sa mga council.

"Anak!" Bahagya pang nagulat si Mama nang makita ako. Anong meron?

"Ano pong nangyayari? Bakit mukha kayong mga seryoso diyan?" Nagtinginan pa silang lahat sa akin bago sumagot.

"Wala naman anak! May ilan lang na maliliit na problema ang dumating pero ginagawan na naman ng paraan ng palasyo." Nakangiting sagot sa akin ni Mama. Nakita kong sinenyasan ni Papa ang mga councils kaya nagsialisan na sila. Bale kaming tatlo na lang ang nandito.

"Bakit ang aga mo namang umuwi anak? Wala ba kayong date ni Dash ngayon?" Nakangising tanong ni Papa sa akin. 

Nang-aasar na naman. Pero teka, iniiba nila ang usapan eh. Bakit pakiramdam ko may hindi sila sinasabi sa akin? Kahit gusto kong basahin ang isip nila, hindi pwede. Dahil nandito kami sa loob ng palasyo at may kapangyarihang nakabalot dito para hindi mapasok ang isip ng sino man.

"Wala po. Pinatawag si Dash sa palasyo nila. Pero teka, ano po ba kasi ang problema?" Pagpupumilit ko, hindi pwedeng hindi nila sasabihin sa akin.

"Wala iyon anak. H'wag mo ng alalahanin, kaya naman naming iresolba." Mahinahong tugon ni Mama. 

I can sense their uneasiness. Wala talaga silang balak na sabihin sa akin!

"Okay," hindi kumbinsidong sagot ko. Nagpaalam na muna ako sa kanila para magpalit ng damit.

Hindi matatapos ang araw na ito na hindi nila sasabihin sa akin ang problema.

"Mich, saglit lang ah? Palit lang ako ng damit sa kwarto." Paalam ko sa kaniya, tumango naman siya bilang sagot sa akin. Doon niya ako hihintayin sa may living room.

Pagkatapos magbihis, nagtungo muna ako sa kwarto ni Dindin para kamustahin siya. Plano ko ding mamasyal kasama siya. Matagal na simula noong huling bonding naming dalawa. Namimiss ko na ang batang iyon.

Princess of the Mystique KingdomBasahin ang storyang ito ng LIBRE!