Sophia.

"NOOO! Hindi ito maaari. Hindi sila pwedeng ikasal dahil akin lang si Dash. He's mine!" Nagpupuyos ang dibdib ko sa galit. Hindi ako makakapayag na maikasal silang dalawa. Hindi kailanman magiging masaya si Jazze.

Gagawin ko ang lahat para lang hindi siya maging masaya. Magiging akin din ang lahat ng mayroon siya!

"Huminahon ka, anak!" saway sa akin ni Papa pero wala akong pakialam. Gustong-gusto ko ng sumugod para patayin ang babaeng iyon.

"Paano ako hihinahon, Papa? Ikakasal na ang lalaking mahal ko sa karibal ko! I want to kill her. Dudurugin ko siya sa mga kamay ko." napakuyom ako ng aking kamao sa poot na nararamdaman ng dibdib ko. 

Hindi ako pwedeng tumunganga lang dito habang pinapanood siya na masaya. Naiinip na akong maghintay sa pulang buwan. Kating-kati na akong maghiganti sa kaniya. Hindi na ako makapaghintay na durugin siya sa sariling mga kamay.

"Tumigil ka, Sophia. Dadating tayo diyan. Mapapatay mo rin ang babaeng iyon pero hindi pa ngayon. Matuto kang maghintay." naging seryoso na ang aking ama, pero wala akong pakialam. 

All that matters to me right now is the death of her. Pero bago iyon, gusto kong makita muna siyang nahihirapan at nasasaktan. Masyadong madali kung haharapin niya agad si Kamatayan. Gusto ko munang makita ang pagdurusa niya. Sigurado akong napakagandang pagmasdan iyon.

"HAHAHAHA! Mga h-hangal! H-hindi ninyo mapapatay ang anak ni Arnold. Walang-wala kayo sa k-kapangyarihang tinataglay niya, sapagkat siya ang itinakdang magwawakas sa k-kasamaan." sabat ng isang boses na siyang mas ikinainit ng ulo ko. Ang ayoko sa lahat ay ang sinasalungat ako. 

Ako lang ang tama! Walang maaaring sumalungat nito!

"W-what did you say? Huh?" nanggagalaiting sigaw ko at naglakad papalapit sa kinaroroonan niya.

"Aack, b-babagsak din k-kayo!" nahihirapang sambit ni Armand. 

Oo! Si Armand na dating pinuno na tinitingala ng kahariang ito. Kawawang nilalang. Pasensiya na lang dahil bobo siya! Hindi niya alam na may mga tusong kagaya namin na kayang pabagsakin siya. Masyado kasing nakampante sa mga tao sa paligid niya. 

Mas hinigpitan ko ang pagkakasakal sa leeg niya. Kahabag-habag ang itsura ni Armand ngayon, pero wala akong awang nararamdaman para sa kaniya. Nababagay lang na maranasan niya ang paghihirap na ito.  At sa kanya ko muna ibubuhos ang galit na nararamdaman ko ngayon para sa bwisit na Caela o Jazze na iyon. Pare-pareho silang mga bwisit sa buhay ko!

"Tumigil ka, tanda! Kung ayaw mong may gawin akong masama sa pinakamamahal mong anak!" nakangising sagot ko. 

Nakita kong natigilan at bumahid ang takot sa mukha niya kaya mas lalong lumawak ang ngising nakaukit sa mga labi ko. That's what I love! Gustong-gusto kong makita ang mga takot na mukha nila. Their fears give me more strength. Hahaha!

"W-walangya ka! H'wag na wag mong gagalawin si Divina." halos maglabasan ang ugat sa ulo niya sa sobrang poot na nararamdaman sa akin. 

Tumawa lang ako ng malakas at tiningnan siya ng nakakainsulto. Bakit ba? Iyon ang gusto ko e, at wala silang magagawa. 

Parang masarap silang paglaruan.

"Paano kung gawin ko nga, may magagawa ka ba?" mapang-uyam na tanong ko sa kaniya. Oh kay sarap pagmasdan ang takot na takot niyang mukha! Hahaha.

He's no longer the king of this world!

"K-kapag nakaalis ako sa kulungang ito, papatayin kita!" pasigaw na ani niya sa akin na ikinailing ko. Hindi ako tanga para hayaang mangyari iyon.

Princess of the Mystique KingdomBasahin ang storyang ito ng LIBRE!