Chapter 14

//

Chris' POV 

Naglalakad kami ngayon, nasa harap naming si Daniel at si Alyssa habang kami dito ni Alisha ang magkasama na naglalakad sa likod nila

 

" Chris? " tawag sa akin ni Alisha kaya napatingin agad ako sa kaniya.

" Ano kasi.. Si.. Si.. Si ano.. Si Alyssa. " dugtong pa niya.

" Bakit? " nagtataka kong tanong. Parang may poblema.

" A-ano kasi.. Ka-kasi.. A-ano.. " 

Tumigil ako sa paglalakad kaya napatigil din siya. 

" May problema ba Alisha? " tanong ko habang nakatingin sa mga mata niya.

" Pwede bang umuwi na lang tayo? " sabi niya sakin.

 

“ Ha? Bakit naman? “ nagtataka kong tanong. Kanina tungkol kay Alyssa, tapos ngayon gusto na niya umuwi.

" Ka-kasi.. Ba-basta. " 

Bakit kailangan umuwi na kami? Kung kalian nag-eenjoy na ako kahit kasama si Daniel. 

" Last na yung ferris wheel. Okey ba yun sayo prinsesa ko? " sabi ko. Sana pumayag siya. Last na naman kasi yun.

" Uhmm.. Ano kasi.. ee... “

 Ano bang nangyayari kay Alisha? Hindi ko malaman kung ano pa ang gusto niya iparating. Hindi ko mabasa sa mukha niya yung naiisip at nararamdaman niya.

" Please, my princess? “

 

“ Sige na nga. “ sabi niya. Pagkasabing pagkasabi niya nun ay niyakap ko agad siya. Hindi ko kasi napigilan. Masyado lang akong Masaya.

Yes! Masaya ako dahil pumayag siya. Actually, may plano kasi ako ngayon. Pinlano ko na kahapon pa yung tungkol sa ferris wheel.  

 

“ Wait Guys! “ tawag ko kina Daniel at Alyssa. “ Doon tayo sa Wheel Of Faith. Nagyaya na kasing umuwi itong si Alisha eh. “ dugtong ko pa. 

 

“ Ha? Bakit naman. Sayang yung oras oh. “ sabi ni Alyssa. 

" Oh? Ang aga niyo namang uuwi? " sabi naman ni Daniel. Oh please? Alam kong gusto mo lang makasama ng matagl si Alisha. Tss. 

Ang Sikat kong Bestfriend [Fin]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!