Chapter 36: Changes

Jullia's POV

"Can you explain what I just saw earlier?"

Natigilan ako at nanigas sa aking kinatatayuan. Napalunok ako ng ilang beses at sobrang bilis ng puso ko dahil sa kaba. Nakatayo si Kuya sa may pintuan habang nakakrus ang kanyang braso sa kanyang dibdib. Seryoso siyang nakatingin sa akin at hindi ko mabasa kung ano mang pinapahiwatig ng tingin niya...

"K-Kuya..."

"Get in. You have a lot of explaining to do" 

Kinakabahan akong sumunod sa kanya sa loob ng bahay. Ano ng gagawin ko? Kahit hindi niya ipakita ay alam kong galit siya. Dapat ko na bang sabihin ang totoo? Pero wala na akong lusot kung magsisinungaling pa ako at tsaka baka kapag hindi ko sinabi sa kanya ang totoo ay mas lalo lamang siyang magalit sakin...

Dumiretso siya sa may sala kaya sumunod lang ako at umupo kaming dalawa sa may couch...

"Why...fuck it..." ginulo-gulo niya ang buhok niya at napaiwas na lang ako ng tingin... "Why are you with that...Israel-fucking-Walker?" kalmado pero punong-puno ng patalim ang tanong na binitawan niya...

"K-Kuya..."

Inihampas niya ang kamay niya sa lamesa at napapitlag na lang ako sa gulat...

"Answer me! Damn it!"

"M-Mahal ko siya Kuya!"

"When?! How?! Damn it Jullia! You're making me crazy!" frustrated na sabi niya. Wala na akong nagawa kundi ang mapatungo at mapaiyak na lang. Ngayon lang niya ako sinigawan ng ganito at sobrang nakakatakot siya. Iba kasing magalit si Kuya eh…

"S-Si Israel ang madalas na nagbabantay sakin noong nakakulong ako sa mansyon ni Victoria"

"Then what?! You freaking fell inlove with that vampire?!"

"Y-Yes Kuya"

I heard him cuss many times and all I can do is to sob. He's so scary and I can feel that he's so angry right now. Nung tumahimik na siya ay dahan-dahan kong iniaangat ang aking ulo para matingnan siya. Sunod-sunod ang paghugot niya ng hininga para siguro pakalmahin ang sarili niya.  He bit his lower lip and turned his gaze to me. Nakatingin lamang siya sakin at hindi nagsasalita. Para namang tinatambol ang puso ko dahil sa sobrang lakas ng tibok, nagtataasan din ang mga balahibo ko at pinagpapawisan ako ng malagkit. Kung kayo ang nasa sitwasyon ko, baka ganito din ang maramdaman niyo dahil iba talagang magalit ang isang Cross Falcon...

He sighed and run his hands through his hair... "Do you really love him? Is he good to you? He didn't hurt you? Does he care about you? Did he took care of you?" sunod-sunod na tanong niya at tanging pag-aalala na lang ngayon ang mababasa sa kanyang mga mata...

"Yes Kuya, I really love him. I don't know how, I don't know when, I just felt it. I can't explain what I really feel about him at first but...I compared my feelings to Van and what I felt about him and then...I realized, it's much stronger. He didn't hurt me, he didn't laid a hand on me. All he did was to take care of me. In fact, siya pa ang nagpauwi sa akin. I know he loves me too Kuya, I can feel it. Trust me..." tuluyan na muling tumulo ang luha sa mata ko. Mahal ko si Israel at kung sakali mang hindi pumayag si Kuya sa kung anomang meron kami ni Israel ay gagawa ako ng paraan para makasama lang siya. Nasisigurado kong ibang-iba ‘tong nararamdaman ko kumpara sa naramdaman ko noon kay Van, itong nararamdaman ko para kay Israel ay hindi maikukumpara sa pagmamahal ko kay Van noon…

The Perverted Vampire (PUBLISHED)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!