Special Chapter-5

Začít od začátku
                                    

"Kelan unang sumakit ang ulo mo, anak?" I asked her. I could feel my Je's stares. Mukhang naiintindihan na niya ang mga nangyayari.

"Just recently, mommy. But it's not too painful," she explained.

"Sa susunod, kapag sumakit ang ulo mo, tell mommy and daddy, okay?" I said to her. She just pouted.

"It's not too painful, mommy," sabi pa niya.

"Just tell us, okay? Painful or not. Do you understand me, Ysabelle?" tanong ko.

Tumango naman siya pagkatapos ay nakangiting lumapit naman sa daddy niya. Hinalikan ni Jethro si Ysabelle sa pisngi pagkatapos ay inutusang bantayan si Junior kaya agad din siyang lumapit sa may sofa.

Pagkatapos ay naupo sa gilid ko si Jethro at hinalikan ako sa noo. Hinaplos haplos din niya ang mukha ko na madalas niyang gawin.

"How are you, Re ko?" malambing niyang sabi kaya napangiti ako.

"I'm fine. Migraine lang ito," sabi ko sa kanya. Hindi ko na kailangang itanong kung ilang araw akong natulog dahil alam kong ilang oras lang.

This happened to me so many times before, even before I met Jethro. But this only happened to me thrice since we got married.

"Hindi pa ba tayo uuwi?" tanong ko sakanya.

Napakamot naman siya ng leeg kaya napailing ako.

"How many times do I need to tell you that I don't need those CT Scan and MRI?" iritadong tanong ko.

Sa tatlong beses na sinumpong ako nang sobra ng migraine ko ay inakala talaga ni Jethro na may tumor ako kaya lahat ng tests ay pinaconduct niya na hindi ko tinutulan noong una dahil alam kong nag-aalala lang siya para sa akin.

Hindi ko pa rin siya masisi ngayon pero gusto ko lang isipin niya na sa gaya kong may abilidad na ganito ay normal lang ang ganito. I started hearing thoughts when I was 5 yrs old. I didn't know that but my mom did. I learned about my ability when I was seven because my mom explained it to me.

Mahirap ang magkaroon nang ganito. Kahit na sobrang dami ng advantages. Pero kung pwede lang akong mamili, I'd choose not to have this ability. But this is my fate.

My mom, my grandfather and my great grandmother had this ability. They said that many of our ancestors had this also. And it was believed that we were cursed and there's no scientific explanation for this.

Ayaw kong danasin ng mga anak ko ang mga dinanas ko, growing up with this ability. That was one of my reasons why I didn't want a child at the first year of our married life. But seeing Jethro's efforts, I knew he deserved to have his own children.

I took the risk and I told him my reason. He did understand but he still wanted a child from me. So we did.

Alam kong kakayanin ni Ysabelle ang lahat ng dadanasin niya. She is a very strong and very smart kid. I believe in her. And to our junior as well.

"But I still want you to undergo those tests, Re," pagpupumilit niya kaya pumayag na ako. Pagkatapos din ng mga iyon ay umuwi na kami.

Gabi na nang pag-usapan namin si Ysabelle. Tungkol sa madiskubre namin sa kanya.

"Paano ka nakakasigurong may abilidad din siya nang tulad sa'yo?" tanong ni Jethro habang yakap yakap ako sa kama.

"I tried to talk to her using my mind and she answered," sabi ko.

Lalo pa niyang siniksik ang sarili niya sa akin.

"Aalagaan natin siya, Re ko," sabi niya at sininghot pa ang leeg ko.

Still Waiting (KathNiel) [Finished]Kde žijí příběhy. Začni objevovat