Caela / Avrice Jazze.

"Oh my God! You're so gorgeous. Pak na pak ang ganda mo, twinnie." patiling ani ni Peter matapos akong ayusan.

"Perfecto!"

Kakatapos lang ng huling klase namin para sa araw na ito at nagulat na lang ako nang nagmamadali silang magyaya na umuwi. Nagtataka rin ako noong hilahin nila ako bigla dito sa kwarto ko para lang pagbihisin. Isang plain white off-shoulder dress ang ipinasuot nila sa akin. 

Hindi kaya sipunin ako sa suot kong ito? Baka naman masumpit ako ng hangin dahil dito?

(A/n: Photo's not mine, it only serves as a material so you can imagine what she's wearing

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin. Upang magpatuloy sa paglalathala, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(A/n: Photo's not mine, it only serves as a material so you can imagine what she's wearing. Ctto.)

"Hindi ba masyadong maikli ang suot ko?" komportable naman itong suotin ngunit hindi lang talaga ako sanay na ganito ang mga damit na sinusuot ko.

"No! That's fine, pretty. It suits perfectly to you." sagot naman ni Victoria sa akin. Tumango ako at nginitian siya.

"Maikli. Lagot kami kay Leader, baka mag-ala tigre 'yun mamaya." narinig kong bumubulong si Beatrice ngunit hindi ko na naintindihan kung ano ba ang sinasabi niya. Nakita ko pang nagsisikuhan sila ni Audrey sa isang tabi.

Si Audrey din ang nag-apply ng make -up sa akin. Light lang naman ang shade na inilagay niya sa akin, and I'm thankful with that.  

"Ano ba talaga ang okasyon, ha?" naguguluhang tanong ko sa kanila. 

Sa totoo lang, kanina ko pa tinatanong ang bagay na 'yan pero wala akong makuhang matinong sagot mula sa kanilang lahat. Wala naman akong matandaang may birthday sa barkada.  Gabi na rin, at wala rin namang napag-usapan na lalabas ngayon para kumain.Pinagtutulungan na naman nila ako.

"Secret, ganda! H'wag kang mag-alala, hindi ka naman namin ipapahamak." malaki ang ngiti sa labi ni Zoey ng sinabi niya iyon, habang tumataas-baba naman ang mga kilay nina Beatrice at Victoria.

"I know that and I trust you, guys. But please, enlighten me. Kahit kaunti lang."

"Kaya  nga secret, pretty. Walang clue, wag ng makulit!" naghagikhikan silang lima.

"Baka kung ano na naman ang mga pinaplano ninyo ah? Inuunahan ko na kayo, kukurutin ko talaga kayo sa mga kili-kili ninyo." pananakot ko sa kanila pero mas lalo lang lumakas ang tawanan nila.

"Masyado kang praning, ganda! Kami nga ang bahala." ani naman ni Beatrice na parang siguradong-sigurado siya sa isinagot niya. Napailing na lang ako sa mga kalokohan nila.

"Oh siya, tama na 'yan. Let's go na!"  biglang sabat ni Audrey at inalalayan ako pagtayo.

"I'm so excited. Yippee!"

"Saan ba kasi pupunta?" tanong kong muli, napangisi ako. Bahala silang makulitan sa akin, ayaw nila akong sagutin ng maayos eh!

"SECRET NGA!" Sabay-sabay na sagot nila kaya napalabi na lang ako. Wala! Wala talaga silang balak sabihin sa akin.

Princess of the Mystique KingdomBasahin ang storyang ito ng LIBRE!