An: Salamat sa mga nakakainspire niyong comments :) Btw. Please do read, Pokemon: Romantic Desire by @ashleyeevee . She needs our help, let's support her story ;) Thank you :*

*****

Jazze's POV

"Alam mo bang alalang-alala sayo si Harper? Sasapakin na nga niyan yung manggagamot eh. Hahaha." Nandito kami ngayon sa loob ng Superiors room at masayang nagkukwentuhan.

"Oh? Wag mo sabihing inlove ka na sakin Johnsen?" asar ni Zoey kay Harper na ikinapula ng pisngi ng binata.

Nakangiting pinapanood ko lang sila, habang nakatabi naman sa akin si Dash. Namiss ko yung mga malalakas na tawa ng mga kaibigan ko. Nitong mga nakaraang araw kasi, puro luha na lang ang nakikita ko sa kanila. Mas masarap sa tenga pakinggan yung malalakas nilang tawa. Mas maganda sa paningin kung luha ng kaligayahan ang makikita mong lumalabas sa mga mata nila. At gagawin ko ang lahat para manatili ito sa kanila.


"Muling ibalik ang tamis ng pag-ibig!" Sabay-sabay na kanta nila na ikinagulat ko. Nakita ko ang pagpula ng mga pisngi nina Zoey at Harper. Tapos tawa naman ng tawa 'yung mga mapang-asar naming kaibigan.


Hindi ako makarelate!!!!

"Ex-boyfriend ni Zoey si Harper, baby. 'Yung mukha mo, hindi na naman maipinta. Hahaha." Bulong niya sa tenga ko. Para namang nabato ako sa kinauupuan ko, nakakagulat naman kasi ang lalaking 'to bigla-bigla na lang bumubulong. "Nagtataasan yung balahibo mo sa batok. Hahaha." Dugtong pa niya. Kaasar! Eh sa nakikiliti ako eh!


"Di nga? Mag-ex sila?" hindi makapaniwalang tanong ko. Pero siyempre mahina lang, baka marinig nila ako. Pa-simpleng chismosa. Hahahaha!

Tumango naman siya saakin bilang sagot. "Paano nangyari iyon? Tapos wala man lang nagsabi sa akin?" kunwaring nagtatampong sabi ko sa kanya, pero hinawakan niya lang ako sa bewang at sinabing;

"Hindi ka po kasi nagtatanong. And that is another story to tell, baby. Kwento natin 'to, tsaka na yung sa kanila." pagkatapos ay binigyan ako ng mabilis na halik sa pisngi. Tingnan mo 'tong lalaking 'to, nakalusot na naman.

"Mamaya, wala ka ng kiss. Ang bilis mo!" biro ko sa kanya.



"I have so many ways to stole a kiss from you, baby." nakangising sabi niya na dinugtungan pa ng malakas na tawa. Napangiti na lang ako. Yeah! Knowing Dashiell, talagang marami 'tong paraan.



"Bakit kami 'yung nas hot seat ngayon?" palatak ni Harper bago kumuha ng isang throw pillow at hinampas si Ian. "Ikaw may kasalanan nito eh. Pauso kang bakulaw ka." todo ilag naman si Ian sa mga hampas ni Harper. Nakita ko namang inaasar din ng mga babae si Zoey, at pulang-pula na yung mukha niya dahil sa mga ito. Nakakatuwa talaga sila! Napakaswerte ko dahil nagkaroon ako ng pagkakataong makilala silang lahat.



Princess of the Mystique KingdomBasahin ang storyang ito ng LIBRE!