56

76.8K 2.7K 190

Caela / Avrice Jazze.

"Alam mo bang sobrang nag-alala sa'yo si Harper? Muntik pa niyang masapak sa mukha 'yung manggagamot." nangingising ani ni Ian kay Zoey habang binibigyan naman ng mapang-asar na tingin si Harper.

Nandito kaming lahat sa loob ng Superiors room at masayang nagkukwentuhan. Nakabawi na ng lakas si Zoey kaya naman pwede na ulit siyang makasama sa amin.

"Oh, talaga? H'wag mo sabihing inlove ka na sa akin Johnsen?" asar naman nZoey kay Harper na ikinapula ng pisngi ng lalaki.

Nakangiti lang ako habang pinapanood silang nag-aasaran, nakatabi naman sa akin si Dashiell. Namiss ko ang malalakas na tawa ng mga kaibigan ko. Nitong mga nakaraang araw kasi, puro luha na lang ang nakikita ko sa kanila. Mas masarap sa tenga pakinggan 'yung malalakas nilang tawa. Mas maganda sa paningin kung tears of joy ang makikita mong lumalabas sa mga mata nila. At gagawin ko ang lahat para manatili iyon.

"Muling ibalik ang tamis ng pag-ibig!" Sabay-sabay na kanta nila na ikinagulat ko. 

Nakita ko ang pagpula ng mga pisngi nina Zoey at Harper. Tapos tawa naman ng tawa 'yung mga mapang-asar naming kaibigan.

Wait, loading pa sa akin...

"Muling pagbigyan ang pusong nagmamahal. Muling ibalik ang tamis ng pag-ibig, sayang naman ang ating nakaraan." nagtawanan pa silang lahat matapos iyon.

Saglit lang, hindi ako makarelate!

"Ex-boyfriend ni Zoey si Harper, love. 'Yung mukha mo, hindi na naman maipinta." Bulong niya sa tenga ko. Para namang nabato ako sa kinauupuan ko, nakakagulat naman kasi ang lalaking ito bigla-bigla na lang bumubulong. "Wow, love! Nagtataasan 'yung balahibo mo sa batok." natatawang dugtong pa niya. 

Kaasar! Aba'y nakikiliti ako, e!

"Hindi nga, love? Mag-ex sila? Seryoso?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya. Pero siyempre mahina lang, baka marinig nila ako. Pasimpleng chismosa. Hahahaha!

Tumango naman siya sa akin bilang sagot. "Paano nangyari iyon? Tapos wala man lang nagsabi sa akin?" kunwaring nagtatampong saad ko sa kaniya.

Hinapit niya ako papalapit sa kaniya at marahang kinurot ang pisngi ko. "H'wag ka ng magtampo, love." nangingising sagot niya sa akin. Napasimangot ako.

"Hindi ka po kasi nagtatanong, and that's another story to tell, baby. Kwento natin 'to, tsaka na 'yung sa kanila." pagkatapos noo'y binigyan ako ng mabilis na halik sa pisngi. Tingnan mo 'tong lalaking 'to, nakalusot na naman!

Kinurot ko ang ilong niya, kitang-kita ko ang pamumula agad noon. Ang cute!

"Mamaya, wala ka ng kiss. Ang bilis mo!"

"I have so many ways to stole a kiss from you, baby." nakangising sabi niya na dinugtungan pa ng malakas na tawa. 

Napangiti na lang ako. Yeah! Knowing Dashiell, talagang marami siyang paraan.

"Bakit kami ang nasa hot seat ngayon?" palatak ni Harper bago kumuha ng isang throw pillow at hinampas si Ian. 

"Ikaw may kasalanan nito e. Pauso kang bakulaw ka." todo ilag naman si Ian sa mga hampas ni Harper. 

Nakita ko namang inaasar din ng mga babae si Zoey, at pulang-pula na ang mukha niya dahil sa mga ito. Nakakatuwa talaga sila! Napakaswerte ko dahil nagkaroon ako ng pagkakataong makilala silang lahat.

"Tumigil na nga kayo...." natatawang saway sa kanila ni Zoey. 

Hindi rin nakalampas sa paningin ko ang pasimpleng sulyap niya kay Harper, na noon ay nakatingin din pala sa kaniya. Potek! Kinikilig ako sa dalawang 'to. Kahit na hindi ko alam ang nangyari sa kanila noon, alam kong may pag-asa pa sila.

Princess of the Mystique KingdomBasahin ang storyang ito ng LIBRE!