Hehehe... cheezy bah? H eh ehe... bangon ka na dyan. Kain na tayo.

Kanina ka pa ba? Sorry napasarap kasi tulog ko eh.

Hindi kakarating ko lang. Breakfast in bed?

Wow. Kilala ko ang amoy na yan. Luto ni mommy. Galing ka sa bahay?

Hehehe... oo eh. Papaturo sana akong magluto pero sabi ni mommy bukas niya nalang daw ako tuturuan. Balik daw ako dun bukas sa inyo. Pinagluto nalang niya tayo.

Sama ako sayo bukas. Wala naman akong gagawin eh.

Sure. Breakfast tayo punta dun?

sige breakfast.

Paruloy parin ang usapan nila habang kumakain. Minsan ay sinusubuan ni Kiefer si Aly. Ganun din si Aly.

Sarap talaga ng luto ni mommy. So whats d plan for today? Busog na busog ako.

Hmmm. May kikitain lang akong kaibigan mamayang 10 am. Importante daw. Eh ikaw ano gagawin mo today? Wala nga eh. Kaso busy naman ang mga beshies ko. Di nila ako pwedeng samahan today. Dito nalang siguro ako sa bahay. Balik ka nalang dito pagkatapos mo sa lakad mo samahan mo akong magrocery. Hehehe...

Okay. Pero di ko pa kasi alam kung maaga akong matatapos sa meet up namin ng friend ko. Text nalang kita around 1 pm kung free na ako. Okay ba yun?

Okay. No probs. Thank you sa breakfast. Sa sala ka na muna M. Maliligo lang ako.

Bakit dito ka ba sa kwarto mismo maliligo?

Sa banyo ng kwarto ko.

Dito nalang ako. Iidlip lang ako. Aga ko kasing nagising eh.

No Kiefer. Dun ka nalang sa sofa sa sala matulog. Hindi kasi ako komportable na may lalaki sa labas ng banyo habang naliligo ako eh. Hehehe...

Nagtulog-tulogtugan lang si Kiefer.

Kiefer naman eh. Sige na please. Alam ko namang hindi ka pa tulog eh. Sabi ni aly habang hinihila ang braso ni Kiefer para bumangon.

Sige matulog ka nalang dyan. Sa kabilang banyo nalang ako maliligo.

Oo na lilipat na po. Kiss muna.bumangon si Kiefer sa pagkakahiga niya at nakangosong humarap kay Aly. Abuso ka na mr. Ravena.

Eeehhh... kiss lang naman eh. Sabay pout uli para pakiss ky Aly.

Ayaw. Di pa nga ako nakakatoothbrush eh.

Okay so mamaya nalang after mong makaligo. Pero kahit ngayon na okay lang di naman mabaho hininga mo. Ilang beses na kaya kitang nakiss para gisingin ka. Hehe...

Aly paused a bit realizing what she just said. Ewan ko sayo ravena. Labas na nga. Sinisira mo umaga ko eh.

Talaga? Akala ko the other way around eh.sorry. mabilisang ninakawan ni Kiefer ng halik si Aly pero sa pisngi lang at agad na dumeretso palabas ng kwarto pra magtungo sa sala. Mamaya na yung utang mo na sa lips! Pahabol pang sabi ni Kiefer.

Natatawa nalang si Aly sa inasta ni Kiefer. Naligo na din siya.

-----

Naglalakad na si Kiefer patungo sa napagkasunduang lugar kung saan sila magkikita ni Donya. Sa labas palang ng resto ay makikita na si Donya at Den at may iba pang mga kasama. Agad niya na ding nilapitan ang mga ito.

Hi beautiful ladies! Bati agad ni Kiefer sa kanila.

Sige pa pasipsip ka pa. Upo ka. Eto nga pala ang extended beshies.

marrying Mr. StrangerRead this story for FREE!