Caela / Avrice Jazze.

"Love, wake up!" Unti-unti kong iminulat ang aking mata nang makaramdam ako ng mararahang tapik sa braso ko. Unang bumungad sa aking paningin ang gwapong mukha ng mahal ko. "You're having a nightmare." Sabi niya sa akin habang masuyong hinahaplos ang pisngi ko.

"T-thanks." Inaalalayan niya akong tumayo sa kama, medyo masakit pa ang ilang parte ng katawan ko. Habang inaalala ko ang mga nangyari kanina'y biglang pumasok sa isip ko si Zoey.

"Love... si Zoey? N-nasaan si Zoey?" Kinakabahang tanong ko sa kaniya bago naglakad patungo sa pinto kahit na nga ba hindi pa ako masyadong nakakabawi ng lakas.

"Sandali lang, baby. You need to rest first." Pigil niya sa akin kaya hindi ko naituloy ang gagawin sanang paglabas sa kwarto.

"No, Dash. Hindi ako maaaring magpahinga hangga't hindi ko nalalaman ang kalagayan ni Zoey. Hangga't hindi ko nasisigurado na bumalik na siya sa atin." Tinanggal ko ang kamay niya na nakahawak sa kamay ko bago nag-umpisa muling maglakad palayo sa kaniya.

"For Pete's sake, Avrice! Nawalan ka ng malay kanina dahil sa sobrang pagod. H'wag mo namang abusuhin ang katawan mo. Pupuntahan natin siya mamaya, pero sa ngayon hindi ako papayag na lumabas ka sa kwartong ito. Just this once, love... makinig ka naman sa akin." Matigas na sagot niya sa akin bago humarang sa daraanan ko. 

Magtatalo pa ba kami dahil lang sa bagay na 'to?

"No, Dash! Y-you... don't understand. Please, I'm so worried and I want to see her. Please, love? Payagan mo na a-ako." napatakip ako sa aking mukha nang unti-unti na namang pumatak 'yung mga luha ko.

I badly want to see her. Kapag naaalala ko ang kalagayan niya kanina, hindi ko maiwasang kabahan. Gusto ko lang naman malaman kung b-buhay pa ba siya? K-kung naisalba pa ba 'y-yung buhay niya. Hindi ko na kasi kakayanin kapag may nawala pang mahal ko sa buhay.

"You're so hardheaded." he sighed. 

Naramdaman ko ang paglapit niya sa akin at pagkaraan ay niyakap ako ng mahigpit. Napahikbi ako. Akala ko magkakagalit pa kami dahil lang sa hindi pagkakaintindihan sa isang bagay. I badly needed him in times like this, he's giving me strength every time I want to give up.

"I'm sorry, love. Stop crying. It weakens me." pinunasan niya ang luha sa pisngi ko. Napapikit ako nang dampian niya ng halik ang magkabilang mata ko. "Parang pinipiga 'yung puso ko kapag naririnig ko 'yang mga hikbi mo. I'll bring you to Zoey. Just promise me one thing, baby." Humiwalay siya ng yakap sa akin bago tinitigan ako sa aking mga mata.

Marahang tumango naman ako sa kaniya bilang sagot. "Gusto kong maging matatag ka, kahit na anong mangyari. Gusto kong lakasan mo ang loob mo sa ano mang madadatnan natin 'doon." 

Lalong nadagdagan ang kabang kanina ko pang nararamdaman dahil sa mga salitang binitawan niya pero hindi na lang ako nagkomento pa sa bagay na iyon. Pinili ko na lang na tumango sa kaniya bilang sagot, kahit pa alam ko sa sarili ko na hindi ko kayang maging matatag sa mga oras na ito. 

Hindi naman araw-araw malakas ako. Siguro naman pwede akong magpakita ng kaduwagan kahit minsan lang? 

*****

"Bullsht! Akala ko ba magaling na manggagamot kayo? Pero bakit hindi niyo nagawan ng paraan?" narinig kong sigaw galing kay Harper.

Magkahawak kamay kami ni Dashiell habang naglalakad patungo sa kinaroroonan nila. Kinakabahan ako sa maaaring madadatnan ko doon.

"Ano ba Harper? Kumalma ka nga, isa pa sasapakin na talaga kita." nakakasiguro akong boses iyon ni Jackson. 

Malayo pa lamang kami ni Dash sa kwartong kinaroroonan nila pero dinig na dinig ko na dito sa labas ang sigawan nila. Hindi na ako nakatiis kaya't tinakbo ko na ang kwarto kung saan sila naroroon.

Princess of the Mystique KingdomBasahin ang storyang ito ng LIBRE!