MAPAPANSIN KAYA? (One shot)

661 18 3
                                                  

Mapapansin kaya?

Yan ang madalas kong itanong sa sarili ko.

Mapapansin kaya?

Ako si Shylla.

16 years old. 4th year highschool.

Sa loob ng 16 years na taong buhay ko.

Ni minsan ay hindi ako nagkagusto sa iba.

Tanging sa kanya lang.

Sa kanya na kaibigan lang ang tingin saken.

Sa kanya na pagmamay-ari na ng IBA.

Ang hirap ng sitwasyon ko.

Dahil sa tuwing may problema sila ng GF nya ay ako ang tatakbuhan nya.

Anong ina-advice ko?

Syempre yung dapat nyang gawin.

Pero kung ako masusunod, gusto kong sabihin sa kanya na SANA AKO NALANG.

Na SANA WAG NA LANG IBA.

Pero laging pumapasok sa isip ko..

Mapapansin kaya?

"Ui. Shy."

Napalingon ako sa tumawag saken.

"Oh? Ano naman? May problema kayo ni Karen?"

"Ha? Wala. Masama bang mangamusta sa BFF ko?"

BFF. Oo nga pala, BESTFRIENDS lang kame.

"Ah. Oh ano? Kamusta kayo?"

I smiled. A FAKE SMILE. Seriously, I'm good at it. ;)

"Okay lang. Wag na nga natin yun pagusapan. Anyway, may free time ka mamaya?"

Yan na naman sya, Lagi nyang nililihis ang usapan pagdating sa lovelife nya.

"Freetime? Nye. Ba't di mo yayain si Karen?"

"Busy yun eh. Dali na. Sabay tayo mamaya."

Sa sobrang pamimilit nya, pumayag na lang ako.

>> DISMISSAL <<

Inaantay ko si Bryan sa labas ng room.

Pero antagal nyang matapos.

Sumilip ako sa room namen nun.

Wala sya don.

"Hahahahhaha. Nakakatuwa ka!"

Napalingon ako sa nagsabi nun.

Nakita ko si Bryan at Karen.

Masayang naghaharutan.

Parang tinusok ang puso ko nun. Ewan ko ba. Ansakit eh.

Masakit makitang masaya ang mahal mo sa iba.

Wala akong magagawa kase isa lang akong KAIBIGAN.

Nakita ko si Bryan na napatingin sakin.

Pero iniwas ko agad yung tingin ko sa kanya.

"Shylla!"

Narinig kong tawag saken ni Vince.

"Pwedeng sumabay?"

Dahil wala ako sa mood noon, pumayag ako.

Sabay kaming naglakad. Narinig ko pang tinawag ako ni Bryan pero di ako lumingon.

Tuloy tuloy lang ako.

Nang makauwi ako nun..

Humiga agad ako.

Dito na ko umiyak ng umyak. :'(((((((

Akala ko di na ko masasaktan.

Akala ko di ko na yun mararamdaman.

Yun pala, nasanay lang ako sa sakit.

Bakit kase sya pa? Bakit sya pa na may mahal ng iba?

Hanggang sa makatulog na lang ako sa kakaiyak.

Pag pasok ko. Nakita ko si Bryan na magisa sa sulok.

Napa isip ako. Dahil kaya saken?

Pero agad din yun nabura ng makita kong magkatabi si Karen at Vince.

Kaya pala.

Dahil pala kay Karen.

Pinilit kong itago ang sakit.

Pinilit kong gumalaw ng normal.

Kahit na sa loob ko ay sobrang nasasaktan ako.

Natapos ang buong period, hindi ako kinakausap ni Bryan.

Siguro ay nagseselos pa rin siya kanina.

Hindi ko na siguro mababago ang katotohanang may mahal na syang iba.

Maya maya, lumapit saken si Karen.

"Shylla. Pumunta ka daw sa garden. Tawag ka ni Sir."

Sumunod naman ako.

Pagbaba ko.

Nagulat ako sa mga nakita ko.

MAHAL KITA SHYLLA.

Nakita kong nakasulat sa banner na hawak-hawak ng mga kaklase ko.

Naguluhan ako.

Nakita ko s Bryan na lumapit saken.

Bumilis ang tibok ng puso ko.

"Shylla. Una sa lahat. Hindi kame ni Karen."

Lalo akong nalito sa sinabi nya.

"Nagpapanggap lang kami. Para pagselosin si Vince. Gusto nya kase si Vince. At ang totoo, magpinsan kame."

"Ha? Panong--"

"Hindi na mahalaga. Basta ang totoo. Hindi kame. Dahil ikaw ang totoong gusto ko."

"HAHAHAHAHAHAHHA. Joke ba yan best?"

Dinaan ko na lang sa tawa ang tensyon ko.

Pero seryoso pa rin syang nakatingin saken.

"It's just a show. May gusto si Karen kay Vince. So we just pretend that we're on just to know kung magseselos ba si Vince saken. Pero nagkamali ako. Dahil ako ang nagseselos. Nagseselos ako sa inyo ni Vince."

Naalala ko nung hinatid ako ni Vince pauwi. Dahil kaya dun?

"Hindi ko lang alam Shy. Pero, selos na selos na ko. Hindi ko lang masabe. Nang ihatid ka nya nun, narealize ko na dapat ko ng sabihin sayo ang nararamdaman ko."

"Shylla. Mahal kita. Matagal na. Lihim na kitang minahal. Kase alam kong magkaibigan lang tayo. Pero mahal na mahal kita."

Para akong naging estatwa sa kinatatayuan ko nun.

Hindi ko akalaing maririnig ko yun sa kanya. Sa kanya na mahal na mahal ko.

"Shy. Alam kong kaibigan lang ang tingin mo sakin. Pero gusto kong malaman mong mahal na mahal talaga kita."

Hindi ako sumagot. Dahil gulat pa ko sa mga nalaman ko.

Nakita kong tumalikod sya. Then naglakad paalis.

"Tatalikuran mo na lang ba ako ha? Pano kung sabihin kong mahal din kita Bryan? Aalis kapa rin ba?"

Ng marinig nya yun, Humarap sya saken.

"Na mahal mo din ako? Tma ba narinig ko?"

"Oo Bryan. Tama ka. Mahal din kita. NOON pa."

Halos takbuhin ako nun ni Bryan at kinarga nya ko at pinaikot-ikot.

Halos rinig ko ang mga tlian ng mga tao sa paligid namin.

Pero wala akong pakealam. Basta ang mahalaga. Masaya kame ni Bryan.

-- end --

P.S.

~Sorry kung maikli lang. :)

MAPAPANSIN KAYA? (One shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon