Simple lang ang buhay ni Christine , kumain matulog at mag aral. Siya ay isang studyante sa isang tanyag na paaralan. 

"Hoy inday, bumangon kana! may pasok kapa" sigaw ng nanay niya

Bumangon si Christine pero malungkot siya dahil naalaala niya na iyon ang araw na iniwan siya nang kanyang matalik na kaibigan. Hindi niya alam kung bakit siya iniwan ng kanyang kaibigan. Tumungo siya sa banyo upang maligo nang matapos na siyang maligo kumain na siya at pumunta sa skwelahan.

Pagdating niya sa paaralan nakita niya si Chenny at Ann na lage niyang kasama sa skwelahan. Hinatid siya ng kanyang mga kaibigan sa kanyang room.

"Salamat nanaman sa paghatid sa akin" wika ni Christine

"Hay! Christine di ka pa nasanay araw-araw tayong magkasama ngayon mo pa sasabihin yan"

wika ni Ann

"Cge papasok na ako" wika ni Christine

Pumasok na siya sa kanyang room. May isang pwesto sa kanilang room na lagi niyang inuupuan. Naghintay sila sa kanilang guro kaya naka upo lang sila. Naisip ni Christine na i guhit ang kayang nararamdaman kanina pang umaga. Inukit niya sa upuan gamit ang kanyang hair pin:

BAKIT MO AKO PINAASA

May biglang pumasok at iyon ang anak ng kanilang guro at nagsalita:

"To all engineering students of Mrs. Linda your class today is cancelled due to the emergency meeting of the day-engineering teachers"

Si Jiko ay isang masipag na mag-aaral. Siya ay isang night shift engineering sa isang sikat na paaralan. Siya ay matipuno at yung tipo na lalaki na magugustuhan mo kahit isang beses mo pa siya nakita. Nagtratrabaho siya sa kanilang skwelahan kasi ayaw niyang humingi nang pera para pang pa aral sa kanya.

Maagang nagising si Jiko dahil meron pa siyang trabaho. Sa laki ng kanilang skwelahan inaabutan siya ng hapon sa paglilinis. Nagbihis na siya upang pumasok sa kanyang klase. Habang naglalakad siya papunta sa kanyang room naalaala niya na ito pala yung araw na iniwan niya ang kanyang matalik na kaibigan sa high school. Noong pumasok siya sa class room may napansin siya sa inuupuan niya. Binasa niya ito:

"Bakit mo ako iniwan"

Naisip niya na sagutan ang nakasulat sa upuan. Inukit niya ito:

"Baka may dahilan siya di mo lang alam kaya ginawa niya iyon"

NEXT CHAPTER: CHAPTER 1 - CHANCE

CHAIR OF LOVEBasahin ang storyang ito ng LIBRE!