Hindi alam ni Phoebe kung anong mas masakit. Kung yung nararamdaman niya sa didbdib niyo o ang matinding paghilab ng tyan niya. Sa magkahalong pakiramdam, kasama na ang halu-halong emosyon hindi niya na alam ang gagawin sa pagdaloy ng pula at sariwang dugo sa sahig.

“SOMEBODY!!! HELP US!!!” natatarantang sigaw ni Elisa. Pilit niya mang itanggi sa isip, alam niya kung anong nangyayari sa kaharap. Lumapit siya kay Phoebe pero hindi niya alam kung anong gagawin.

“Ang baby ko…” unti-unting nanghihina si Phoebe. Umiiyak pa rin ito.

O______O

“FIBBS??!?!” gulat na gulat si Jhone sa eksenang nadatnan. Nabitiwan na niya ang bote ng mineral water na dali-dali pa naman niyang binili para sa pag-inom ng gamot ng kaibigan. “Anong ginawa mo?” mapanumbat na sabi niya kay Elisa. “Don’t touch her!!”

“I didn’t know! S-she attacked me!”

“FCK YOU!! Get out of the way!!” sigaw niya kay Elisa.

Pero hindi ito tumabi. Walang oras para makipagaway si Jhone sa babae. Kasabay ng pagiyak ni Phoebe ay ang masaganang pagdaloy ng dugo sa sahig ng CR. Sinubukan niyang alalayan ang kaibigan upang tumayo pero nakita niyang namumutla na ito at ayaw nang gumalaw sa kinauupuan. Nakatungo at umiiyak.

“Phoebe… gurl naman…” napapaiyak na rin si Jhone. “Fibbs… Tayo… Tatayo tayo okay?”

“S-sakit…” nakahawak si Phoebe sa tyan niya. “Ang sakit-sakit… Yung baby…”

“Tulong!!! Tulong naman oh!!!” sigaw nang malakas ni Jhone.

Di malaman ni Elisa ang gagawin. All her life, sa bawat problema at unos na naranasan niya, ngayon niya lang naranasan ang nararamdaman niya ngayon. Lumabas siya ng CR. Ngunit hindi para tumakas.

“PLEAAASE!! HELP US!!!”

Malapit nang magsimula ang klase kaya marami nang tao ang naglalakad na malapit sa CR kung saan sila naroroon.

“TULONG NAMAN PO PLEEEAASE!!”

Ilang sandali pa. Marami nang kaklase ang pumasok sa CR na iyon. Nagtataka man ang mga tao sa mga pangyayari, at iba’t ibang kwento man at alegasyon ang nabuo dahil sa nasaksihan, marami pa ring tumulong para mailabas si Pheobe sa kwartong iyon.

Secretly Married .ƒĢ. (Completed and Published in English and Indonesian)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!