Gin's Point of View
I smiled warmly when I saw her emerge from the main door. She looks refreshing and sweet in her uniform. She looks at me. Agad na kinuha ko ang gamit niya. I kissed her on the cheek.
"Good morning, sweetheart."
"Good morning. Sana hindi mo na lamang ako sinundo, I can manage to go to school on my own, Gin."
Nawala ang ngiti ko sa labi nang marinig ang sinabi niya. Napatitig ako rito. Agad na iniiwas ni Bella ang mga mata sa akin. I sighed. Akmang sasakay na ito sa kotse pero agad na piniit ko.
"Galit ka ba sa akin? At least, tell me. Kahapon ka pa ganyan, is there any problem, Bella?" naguguluhang sabi ko.
She stared at me. "Ayoko lamang masanay na ganito ka sa akin, Gin. I don't want to feel again what you have made me feel when you were gone for a week nang hindi ko alam what went wrong. Besides, hindi ko rin naman alam ano nga ba tayo?"
Natigilan ako.
Napakurap. Ngayon na sa kanya nanggaling ang salitang 'yon hindi ko alam ang sagot.
She sighed. "Boyfriend kita, sabi mo. Pero when you left with no word, I felt like we were total strangers to each other. Hindi kita kilala, Gin."
It hurts.
Her words hurt me more than ever. To treat me like this. Na para bang estranghero na ako sa kanya. Gusto kong pagsisihan ang ginawa kong pag alis. Pero wala na. Andito na to.
"Bella."
She smiled wryly. "I wish I know what's in your head, Gin. But I don't."
Same with you, I want to add. Gusto kong malaman ang laman ng puso mo, ng isip mo. Gusto kong sabihin. Gusto kong isigaw. Pero napatiim lamang ang labi ko.
"Who's Lance?"
I saw her face lost its color. Nanlaki ang mga mata nito. Pero huli na para bawiin ko 'yon. Nasabi ko na.
"H-How did you know about him?" utal na tanong nito.
I smiled wryly. "He happened to be my friend's cousin. So, ano mo siya? Sino siya sa buhay mo, Bella?" madiin na tanong ko.
This painful twist inside my heart is unbearable. I have to let it out.
Ilang saglit na natulala lamang ito pagkuwa'y umiling. "Wala. Ayokong pag usapan," anito na iniiwas ang mga mata. "I have to be at school before 7."
Sumakay ito sa kotse at sinarado iyon. Ilang saglit na nakatayo lamang ako doon at saka umikot sa driver's seat. Wala kaming imikan habang nasa biyahe. Kahit nang dumating kami sa eskwelahan. Hindi ko rin siya pinuntahan sa breaktime o sa vacant class ko. Nag tiis akong nagmumukmok sa loob ng classroom.
Nagmumukmok at nagseselos!
VISIT Forgotten Memories Page on Facebook
www.facebook.com/ForgottenMemories.mechaniclady
The Hardbound Cover of Forgotten Memories Book 1 Writer's Edition Batch 1 (first printing 2018)
SEND us a message on Facebook: www.facebook.com/ForgottenMemories.mechaniclady
BINABASA MO ANG
Forgotten Memories Book 1 (2013)
General FictionEugenio Carlos or Gin is perfect. He is tall, handsome and he has money. He is the only son of Governor De Villa. And not to add he will inherit the throne of his father as governor someday. But love is not the reason why she chose to be with him...