Chapter 24 : M.U ?

3.5K 50 9
                                    

Chapter 24: M.U

M.U stands for ??? kayo na magbigay ng meaning hehehe madaming meaning yan eh

HAPPY 2ND MONTHSARY (Sept.23) sinikap kong tapusin bago mag 24 !!! dahil dyan ako ay may UD ^^, congratulation at umabot ka hanggang sa part na ito !!! madami pa akong naiisip na twist kaso hindi ko alam kung saan ko isisingit haha. Sana umabot ng 3k ang reads ngayon ^^,

Sa mga nagkakalat pala ng mga SC dyan na walang pahintulot ng mga author, naku, habang maaga pa tigilan nyo na yan. Kaloka yung isang ate, may story sya DNP gawa daw nya hahaha. Alam naman ata ng buong Pilipino kung sino talaga author nun diba ? HYSTG lang naman. My idol na si ate denny #NoToPlagiarism #NoToCopyRights

-----

~ Leigh POV ~

“So nagkabalikan na kayo?” nagulat ako sa lalaking nagsalita sa likod ko, pero nagulat ako ng malaman ko kung sino ito. Kala ko ba bumaba na sya sa floor nya kanina? Ano namang ginagawa nya dito?

“Magkasama lang nagkabalikan agad? Hindi ba pwedeng may pinuntahan lang kami?” pambabara ko dito. Naiinis padin ako sa kanya hanggang ngayon dahil sa magkasama sila nung babaeng walang saplot.

“So ibig sabihin hindi pa kayo nagkakabalikan?” nagliwanag naman ang mukha nito.

“Paulit ulit ? Unlimited ? So kayo kamusta nung babaeng walang saplot, padate date pa kayo sa mall ah?”

“Sinong babaeng walang saplot ? Si shane ba tinutukoy mo?”

“Hindi ko alam name nya, basta babaeng walang saplot ang itatawag ko sa kanya” inis na sagot ko dito. Sya naman parang wala ng bukas kung makatawa. Ayaw kong binabanggit nya yung pangalan nung babaeng yun. Babaeng walang shaneplot !

“Ano kasi, si manager sabi nya pumunta kami sa unit nya. Tapos kinausap kami, kailangan daw naming lumabas para mabalita sa news dahil sa nalalapit naming movie. Kailangan maging maingay yung pangalan namin sa lahat ng news, kaya ayun pinapunta kami ni manager sa mall para kunwari nag dadate kami” mahabang lintaya nito.

“Ahhhhh talaga” ako naman ang nagliwanag ang mukha. Kala ko naman nag dadate na talaga sila, yun pala front lang nila para sa movie.

“Pasok ka muna” pumasok na kami sa loob ng unit ko. Nakakailang, kasi last time na nandito sya kakaiba yung nangyari sa amin. Ano kayang mangyayari ngayon?

“Ah/Eh” sabay naming wika pagkaupo sa couch.

Sleeping with ... Mr. SUPERSTARTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon