Chapter 1: Jutaytay ang Beauty

24.7K 698 62

Dedicated to itsMIREHLUH! 

Hindi ko na mapigilang mag-update. -3-

***

Chapter 1: Jutaytay ang Beauty

“Candidate No. 2 Kent Calvin Gomez” walang gana kong sabi habang hawak yung hair brush bilang microphone. Nagdadabog siyang lumabas ng banyo habang suot yung tuxedo niya. I rolled my eyes when I saw him pouted his lips, parang bibe. Psh...

“Aish! Hindi ba pwedeng mag-gown na lang din ako kagaya ng sayo?” nakabukaka ako at nakatuon ang dalawa kong siko sa tuhod ko at humalumbaba at tiningnan siya ng masama...

“Sa tingin mo ba gusto ko ding magsuot ng ganito? Kundi lang ako pinilit ni Kuya eh di sana nagbabasketball na ako ngayon!” ang kati-kati pa ng gown na ‘to! Kapag hindi ako nakapagpigil huhubadin ko na talaga ‘to!

Pinanood ko lang siya habang inaayos ang buhok niya sa salamin. Gwapo naman si KC, bakla nga lang. Elementary pa lang kami magkasama na kami nyan. BFF kumbaga. At nakasuot ako ng gown at sa kanya naman ay tuxedo dahil Graduation Ball namin ngayon. Hindi naman talaga kami aattend pero pinilit kami ng barkada namin pati na din ni Kuya....

“Alex, paano kapag may yummy papa na nag-alok ng sayaw sayo? What will you do? Ha? Ha?” sabi niya habang sinusundot ang tagiliran ko. Tinapik ko naman ang kamay niya para magtigil siya...

“Hindi ko papansinin. Mas ieenjoy ko na lang ang pagkain dun”

“Alam mo girl, joke lang yung tanong ko. Sigurado namang walang sasayaw sayo kasi mas mukha ka pang lalake sa kanila eh. Hahaha!”

*BOOGSH!*

“Aray naman girl! Ginulo mo ang hair ko!” sabi niya habang inaayos ang nagulo niyang buhok habang nakapout...

“Psh. Magtigil ka na kasi. Sigurado ka bang kailangan nating pumunta? Eh leche, ano naman kasi ang gagawin natin dun? 6 ng gabi hanggang 6 pa tayo ng umaga!”

“Eh di maghahanap ng fafabols! Manlalait ng mga may chakang dress at may chakang fes! I-enjoy na lang natin girl, nandito na eh kaya gora na!”

Napabuntong hininga na lang ako. Eh ano pa nga ba? Nakakairita naman kasi itong damit ko. Hindi ba pwedeng mag-tuxedo na lang ako kagaya ng kay KC? Ang suot ko kasi ay cocktail dress na kulay pink. PINK!! Arggh! Pinakaayaw na kulay ko pa. Tube type ito at maraming nakalagay na bato o kung ano mang tawag doon sa mga kumikislap na bilog kapag tinatamaan ng ilaw....

Neh. Ako nga pala si Alexis Johann Villela. Maganda sabi nila pero tomboy naman ako. Pero hindi ako nagkakagusto sa kapwa ko babae, nagagandahan pwede pa pero hindi ako papatol sa ka-gender ko. Mga ginagawa ko kasi sa pang-araw-araw ay panlalake kaya naisip ko...tomboy yata ako. Mas gusto ko kasing naglalaro ng mga panlalakeng laro kesa sa pambabae. Ang normal na babae nagtitweet, nagpopost ng status sa facebook at nag-i-instagram, ako...naglalaro ng DOTA at online games na panlalake. Yung iba nagsh-shopping, inaabangan ang latest trend about sa mga fashion, ako? Inuubos ang oras sa pagbabasketball...

“Girl!! Leggo na!!” sigaw ni KC mula sa baba. Ang baklang ‘yun talaga. Bumaba na ako at nag-aantay na si Kuya Trace habang hawak ang susi ng kotse niya...

Bakla + Tomboy (Complete)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!