EPILOGUE

1.3M 33.2K 7.7K
                                    

A/N: I dedicate this story to Jan Irish, ang aking anak na maganda. Hehe. Anak, sana nagustuhan mo ang kinayang gawin ng utak ko para sa'yo. Sana napamahal sayo si Tegan katulad ng pagmamahal niya sayo. I love you, anak. See you soon. <3


EPILOGUE

"PLEASE, PLEASE, be a girl." Tegan prayed. "Please, be a girl." Dasal ni Tegan habang nasa delivery room ang mahal niyang asawa at nanganganak. "Please, maging babae ka sana."

"Pina-ultrasound niyo nalang sana si Irish." Wika ng ina ni Jan Irish na kasama niyang pumunta sa Hospital.

Bumaling siya rito. "We want it to be a surprise, Ma."

Ngumiti ito. "Sana nga babae, no? Para mabawasan naman ang testosterone sa bahay. Na o-over power na kaming mga babae e. Dalawa lang kaming babae ni Irish, samantalang lima kayo kasama na ang tatlong apo kong lalaki."

Mahina siyang natawa. "Na-o-over power na ba, Ma?"

Inirapan siya nito. "Oo. Ang dami niyong lalaki sa bahay."

Natawa nalang siya sa sinabi ng byenan. Oo nga, marami na silang lalaki sa bahay.

Pinatibag niya yong pader na humahati sa bahay na binili niya sa tabi ng bahay ng mga magulang ni Jan Irish kaya naman halos i-isa nalang ang bahay.

"Daddy! Daddy!" Sigaw ng ikatlo nilang anak ni Jan Irish na lalaki. "Lumabas na po ba si Mommy?"

Sinalubong niya ang anak na tumatakbo palapit sa kaniya saka kinarga. "Diba sinabi ko sayong huwag kang tumakbo?"

"Sorry po." King smiled. "Excited na kasi ako na makita si baby sister e."

"Not sure pa yan, anak." Ginulo niya ang buhok nito. "Hindi pa lumalabas e."

Napasangot ito. "Sabi ni Kuya Prince babae daw."

"Sana nga anak."

Napangiti si Tegan ng makita ang panganay na anak na si Duke na naglalakad palapit sa kanila kasama si Prince at ang Lolo ng mga ito. Dala ni Duke ang mga gamit ng bata samantalang si Prince naman ay dala ang mga gamit ni Jan Irish.

Duke is fifteen years old and Prince is Twelve.

"Pa, bakit sumama pa kayo?" Ibinaba niya si King saka kinuha ang dalang bag ng ama ni Jan Irish. "Sa bahay nalang sana kayo nagpahinga."

Medyo may katandaan na ang ama ni Jan Irish at palaging nananakit ang tuhod at likod.

"Ayos lang, anak." Sabi nito sa kaniya, "pinagmaneho naman kami ni Berto." Katulad nito, may katandaan na rin si Tay Berto pero malakas pa naman. "Saka walang kasama ang mga apo ko, kawawa naman."

Napailing nalang siya. May katigasan din ang ulo ng ama ni Jan Irish. Sinabihan na ito ng Doctor na magpahinga pero hindi nakikinig.

"Upo kayo, Pa." Iminuwestra niya ang kamay sa sofa na kinauupuan niya kanina. "Pahinga muna kayo." Binalingan niya si Duke. "Ibaba mo na yang dala mo, magpahinga ka na rin."

Duke just nod and sat.

Napabuntong-hininga nalang si Tegan sa ugali ni Duke. Ito ang anak niyang hindi pala salita, samantalang si Prince ang pinakamahilig mang-asara. Si King naman ay ang pinaka-pilyo sa tatlo.

"Paano kung lalaki na naman ang anak ni Mommy?" Tanong ni Prince sa kaniya habang may lollipop na nakasalpak sa bibig nito. "Tapos bakla pala?"

Pupukulin sana niya ng masama si Prince pero naunahan na siya ni Duke. Tinabig nito ang paa ni Prince.

"Manahimik ka nga." Saway ni Duke kay Prince. "Baka ikaw ang bakla."

Bumungisngis si King. "Bakla. Bakla. Bakla."

Kumuyom ang kamao ni Prince at humarap ito kay Duke. "Suntukan tayo gusto mo?"

Umingos si Duke saka mabilis ang paa na sumipa kay Prince na mabilis namang nasalag ni Prince. Normal na iyon sa dalawa. Minsan nga nagsisisi siya na piang-aral niya ang dalawa ng Taekwondo at Judo.

Nagtagis ang bagang niya. "Aherm." Tumikhim siya. "Gusto niyong paluhurin ko na naman kayo? Sabi ko diba na bawal mag-away?"

"Sorry." Nakasimangot na hingi ng tawad ni Prince sa kaniya.

"Sa kuya ka mo mag sorry."

Hiindi maipinta ang mukha nito. "Sorry, Kuya."

"Its 'kay." Duke said then closed his eyes.

Papangaralan sana niya ang mga anak ng lumabas ang Doctor na nagpapa-anak sa asawa niya.

"Mr. Guzmano," nakangiti itong lumapit sa kaniya. "Maayos na ang lagay ng mag-ina mo."

Nakahinga siya ng maluwang. "Lalaki ho ba, Doc?"

"Babae."

"Thanks God." Halos sabay-sabay nilang sabing lahat.

Napangiti ang Doktora. "Isang malusog na babae ang anak niyo, Mr. Guzmano. Congratulation."

"Thanks, Doc."

Nang makaalis ang Doktora, kaniya-kaniyang pangalan ang mga anak niya sa kapatid nitong babae.

"Duchess." Sabi niya. "That would be her name."

Natahimik ang lahat hanggang sa nagsalita ang ina ni Jan Irish.

"Ngayon palang, natatakot na ako para kay Duchess. Maraming bubogbog sa magiging mga manliligaw niya." Komento ni Mama.

"Walang manliligaw kay Duchess." Siya at ang tatlo niyang anak na lalaki ay pare-parehong nagdilim ang mukha.

"Patay sila sakin." Sabay-sabay nilang sabi ng tatlo niyang anak.

Mahinang natawa ang ama ni Jan Irish. "God bless, Duchess."

"No." Matalim ang matang sabi niya. "God bless to the poor soul who will try to win her heart. Maraming kamao ang tatama sa mukha at katawan niya."

"Yeah." Duke smirked. "God bless him."

Tegan smiled. Mukhang hindi siya mahihirapang protektahan ang nag-iisa nilang babae. Sama-sama sila ng kaniyang tatlong lalaking anak na po-protekta dito.

THE END


A/N: Tegan will never see you again. Hahaha. I hope you enjoy reading Tegan and Jan Irish's story. Love you all, Innocents!

🎉 Tapos mo nang basahin ang TDBS1: Darkest Touch - COMPLETED (PUBLISHED under Precious Pages: LIB Bare) 🎉
TDBS1: Darkest Touch - COMPLETED (PUBLISHED under Precious Pages: LIB Bare)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon