Chapter 41 ♥

Magsimula sa umpisa

OMG.

Pick-up line lang daw yun pero bakit tagos to the bone? Aish. Kinikilig ako na parang ewan! Hirap naman nito!

Pagpasok ko sa unit ko. Nagpalit muna ako damit tapos punta dito sa salas habang nuod ng TV. Binuksan ko din muna laptop ko.

Nagcheck ako ng facebook.

Scroll

Scroll

Scroll

Aba may status si Kyle. Agad-agad.

Kyle Shin-Woo Ako lang naman ang pinili ni nobody na maghatid sa kaniya sa unit niya. Ano Adrian? May masasabi ka ba?
2451 likes • 435 comments • Share

Adrian Buenavista Alam natin na labag yun sa loob ni Chelsea.

Geri Conde Paligsahan ba itey?

Alyanna Enriquez Bet ko si Kyle for Chelsea! Mas bagay kayo Prince Kyle!

Katelyn Caristea Wahh! For real na talaga. Ang dalawang prince natin nag-aagawan sa isang girl. Ang haba ng hair ni Ate.

Adrian Buenavista Tch fansclub. Sakin si Chelsea.

Kyle Shin-Woo Mas bagay kami ni nobody. Wala kang magagawa Adrian.

Lance Abellano Please enough for nightmares.

Kyle Shin-Woo Panira ka Lance. Lagot ka sa'kin maya sa practice.

Celina Zuzzane Arela Go lang Prince Kyle, push mo yan! :)

Shirleyn Tayao Ahhh! Kainggit si Ate. Pinag-aagawan ng dalawang prince.

Myle Bynn Melodias Nakakakilig naman! Dalawang gwapo, nag-aagawan sa isang girl!

Pinkmindedcutie Chelsea, gusto mo pagupit? May gunting ako dito.

Spicy Sugar Wew! Haba ng hair ni Chelsea. Kaloka ka ate XD

Ma. Angelica Cortez Kainggit naman si Chelsea. Dalawang hottie yan, OMG lang.

Psh. Sikat na sikat sila talaga ha? Mga fans talaga, maka-react wagas! Kainis.

Tenenenenen!

From: Kamahalan
Be ready.  We're going to school. Maaga practice today.

Wow ha, kalmado ang text. Makapagbihis na nga.

 -

Tiger's Practice

“Uy, hi Chelsea!” bati sakin ni Ken. Naglapitan din yung ibang tigers kasi kararating lang namin ni Kyle dito sa gym.

“Balita ko nililigawan ka ni captain at ni Adrian ah? Gano yun ka-totoo?” tanong ni Jerome.

“Lagi nga raw nagpapagalingan yung dalawa eh.” Sabi naman ni Cav

“Lakas ng appeal mo Chelsea, nakuha mo atensyon ng dalawang star player ng tigers.” Sabi naman ni Oliver.

“Kung ligawan din kaya kita?" sabi naman ni Kit.

“Nasa The Buzz ba ako?” tanong ko sa kanila. Kainis kaya sunud-sunod tanong nila eh.

“HOY KAYO! START NA PRACTICE! WAG NIYONG PAGKUMPULAN SI NOBODY KUNG AYAW NYONG PAGBUHULIN KO KAYO!” sigaw ni Kyle.

Ang harsh talaga. Grabe yung authority ng voice ni Kyle. Takbuhan kasi agad sa gitna ng court yung mga tigers. Naupo na lang ako sa isa sa bench. Ano bang gagawin ko dito.

Mr. Popular meets Miss NobodyBasahin ang storyang ito ng LIBRE!