Day 253 : Ten minutes

4.9K 283 12

Ten minutes
-----

Malaki ang mata ko sa pagkakatingin kay Kuya. Nasa lab 2 kami kasama si JT. Kausap niya sa cellphone niya ang driver ng service ko.

"Sige ho, Manong, ayos lang. Kasama ko naman si bunso. Kapag hindi kayo nakarating agad, isasabay ko na lang siya pag-uwi ko maya-maya," sabi ni Kuya na nakatingin sa 'kin. "Oho. Ingat ho."

"Ano?" tanong ko kay Kuya nang maibaba niya ang cellphone.

"Nasa talyer pa rin. Takbo na. Baka nando'n na labs sa kotse. Magkasama na si Marcus at Jenjen e," sabi ni Kuya. "Five minutes lang a."

Mabilis akong tumango. Halos magsalabid ang paa ko sa pagtakbo papunta sa parking lot.

This is the only chance to be with Ash after a long time. Para akong preso after ng birthday ko last December. Naka-monitor sina Mommy at Daddy sa lahat ng galaw ko sa lahat ng oras.

Kapag nasa bahay, si Manang Patring ang sumisita sa paggamit ko ng cellphone. 'Yung mga pinsan ko, nakabantay naman sa mga postings ko sa social media accounts ko. At may blockmate ko yata na nagsusumbong ng kilos ko kapag nasa school. For almost two months now, ni hindi namin magawang mag-usap sa personal ni Ash. Puro sulyapan lang kami at ngitian. Dahil nagchi-check sina Mommy at random hours during the night, may mga gabing hindi ako makatawag o matawagan. Binawal sa bahay 'yung pagla-lock ng kuwarto - kahit umangal si Kuya.

I missed Ash so much. I missed telling him I love him. I missed being near him. Bawat araw, nalulungkot ako kasi alam kong nalulungkot din siya.

Humihingal ako pagdating ko sa kotse ni JT. Dalawang ulit akong nag-check ng plate number. Bago pa ko makalapit nang tuluyan, bumukas ang pinto.

Nakangiti nang malungkot si Ash sa madilim na backseat.

Mabilis akong pumasok sa loob, nag-lock ng pinto at yumakap sa kanya. Ang higpit din ng yakap niya sa 'kin. Nararamdaman ko 'yung paghinga niya nang malalim sa leeg ko.

Hindi ko alam kung ilang minuto kaming walang kibo at nakayakap lang sa isa't isa. Hindi ko rin alam kung pa'no dadamhin 'yung katawan niya sa katawan ko. Parang hindi sapat 'yung lapit namin para mapayapa ako; para makumbinse ko 'yung sarili ko na magkasama nga kami.

"Kumusta?" mahina ang boses na tanong niya. Parang bakal sa higpit 'yung braso niya sa 'kin. "Ang payat mo na. Kumakain ka ba nang maayos? Ang kulit mo a. I specifically told you to take care of yourself."

Kinagat ko ang labi ko bago huminga nang malalim. "I miss you... Ash."

Mabigat ang pagbuga niya nang hangin. "I miss you so much, too..."

Hinigpitan ko pa 'yung yakap ko sa kanya hanggang sa halos maiiyak na 'ko. February na. Sa April, ga-graduate na sila. Napaka-unsure kung anong mangyayari pagkatapos. Natatakot ako.

What if we don't make it? What if we become just another story that begins and ends?

Ayoko.

Tinapik-tapik niya 'ko sa likod. Umiiyak na pala ko. Unti-unti, 'yung mahinang pag-iyak ko, naging maingay. Ang sikip kasi ng dibdib ko. Pakiramdam ko, mawawala na kami sa isa't isa. Na isang araw, wala nang kami. Burado na 'yung feelings at 'yung memories. Makakahanap na siya ng iba na mas less complicated at sasabihin niya sa 'king hintayin ko na lang 'yung taong para sa 'kin. Kapag nangyari 'yun, ano'ng gagawin ko?

Ihiniwalay niya 'ko sa katawan niya at sinapo 'yung mukha ko. Nakapikit ako nang mariin.

"I'm sorry... But please don't love anyone else..." sabi ko sa kanya.

Naramdaman kong pinahid niya ng hinlalaki niya 'yung mga luha sa pisngi ko. Tapos, lumapat 'yung labi niya sa noo ko.

"I won't love anyone else, makulit na babae," bulong niya sa balat ko.

Kinagat ko ang labi ko. Ayokong makita niya 'kong parang batang ngumangawa nang ganito pero natatakot talaga ako.

Hinalikan niya ko nang magaan sa talukap ng mata ko. Tapos, sa ilong. Tapos, sa labi.

Napakapit ako sa sleeve ng uniform niya nang gumanti ako ng halik. Binitawan niya rin ako agad tapos tinitigan ako. Pinahid niya ang luha ko.

"Alam kong nahihirapan ka na..." bulong niya sa akin. Nangingintab ang mata niya sa mahinang liwanag sa loob ng sasakyan. "Thank you for choosing me even if it's hard. I love you."

Nagbuga ako ng hangin at tumitig din sa kanya. I love this guy so much. Na minsan, iniisip kong sana, ipinanganak na lang ako two years earlier for him. Maybe, it will be easy.

Sinapo ko ang mukha niya sa palad ko at inilapat ang labi ko sa kanya. Siguradong tapos na 'yung limang minutong sinabi ni Kuya. Pero wala na 'kong pakialam.

Sinubukan niya 'kong bitawan agad nang magbalik siya ng halik pero yumakap ako sa kanya.

I want to kiss him more. Hangga't pwede pa.

Naramdaman ko na lang na humigpit din ang sapo niya sa batok ko at mas lumalim ang halik niya. I didn't know that a kiss could be like that - thorough and intimate.

We lost track of time. Nang bitawan niya 'ko, nakakunot na ang noo niya. He was gritting his teeth, too. Pagkatapos, niyakap niya 'ko uli sa katawan niya.

Panay ang buntong-hininga niya. "Hold on, love. Don't fall in love with anyone else, too. I'll get mad at you." Ibinuro niya ang mukha niya sa leeg ko at hinalikan ako ro'n. "I'll seriously get mad at you."

Hinigpitan ko rin ang yakap ko sa kanya. "Ikaw rin. Tatauban kita ng mesa kapag hindi ka nag-behave."

Tahimik na lang kami pagkatapos. We couldn't let go of each other. Kahit nang kumatok si JT at binuksan ang pinto, walang bumibitaw. Lalo akong sumubsob sa balikat ni Ash.

"Nag-aalala na si Ka Harry," sabi ni JT. "Tapos na kami sa lab."

"Do we still have time?" tanong ni Ash.

"Three minutes pa siguro," sabi ni JT. "Magliligpit sa lab."

"Ten," sabi ni Ash. "Let me hold her for ten minutes more."

Pumalatak si JT.

"Sige. Ten minutes lang, dude. She has to be seen at the lab with us."

Hindi na sumagot si Ash. Narinig ko namang sumara ang pinto.

Sabay pa kaming napabuntong-hininga nang kami na lang uli. I was savoring the feel of his body near me. I was memorizing his warmth, his smell and the way he's holding me.

"I love you, Ash," bulong ko sa kanya.

"I love you more, Miss."

The clock ticked with just the two of us holding one another in silence. # 0459h/05212016

Goodbye Girl : Days To Forget (Day Book)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon