Caela / Avrice Jazze.

"Z-zoey..." nanginginig ang mga kamay ko habang nakatingin sa mga dugong patuloy na umaagos sa katawan niya at halos hindi ko na rin marinig pa ang sariling boses ko. 

My mind doesn't want to absorb, what just happened. Naramdaman kong lumapit na sa pwesto namin ang mga kaibigan namin.

"Aww! What a sad ending. Tsk!" ani ng isang boses na medyo pamilyar sa akin. 

Nag-angat ako ng tingin at nakita ko ang kambal na transferees, Jenice Voltaire and Jen Alvis Voltaire. Hindi rin nakawala sa paningin ko ang hawak na pana ng babaeng Voltaire, na ngayon ay nakangisi pa habang nakatingin sa pwesto namin. Habang ang kaniyang kambal naman ay mataman lang na nagmamasid sa paligid.

"Y-you are t-the one... who did that to Zoey?" nanggagalaiting sigaw ni Beatrice habang nakatingin din sa panang hawak ni Jenice. 

"Oops! Masamang magbintang, lalo na kung hindi mo nakita." nakangising sagot niya na lalong nagpainis sa mga kasamahan ko.

"Hindi na kailangan pang makita ng dalawang mata namin para malaman na ikaw nga ang gumawa noon. Ebidensiya na 'yang letseng pana na hawak-hawak mo." mahinahon na sabi ni Victoria, pero kakikitaan mo ito sa mukha ng pagpipigil na huwag munang sumugod.

"Oh, really? Pero paano kung ako nga? Nababagay lang naman sa mga taong katulad niya... ang mamatay." biglang tumalim ang tingin nito sa amin. Narinig ko naman ang mahinang mura ni Harper.

"Tang*na nitong babaeng ito, masiyadong matalas ang dila!" susugod na sana si Harper ngunit napigilan lamang siya ni Jackson at Kent.

"Tumigil ka, Harper. H'wag kang magpadalos-dalos." saway sa kaniya ni Jackson habang nakahawak sa balikat niya. 

Hindi kami pwedeng magpadalos-dalos ng kilos. Nandito kami sa academy at maraming buhay ang maaaring madamay. Kahit na gusto kong ipaghiganti si Zoey, hindi pa maaari. At hanggang kaya ko pang kontrolin ang emosyon ko, magpipigil ako.

Kahit na nga ba gigil na gigil na ako sa kanilang dalawa. Nangangati na ang kamay ko na patayin sila. People like them, don't deserve to live! 

I know, I'm at fault too. Sana noong una pa lang, pinalayas ko na sila dito sa academy. Sana hindi ko na hinintay na may magbuwis ng buhay at may mapahamak dahil sa kanila. Masyado akong nakampante.

"Chill, napakainit ninyo naman. We're here to get that girl." sabat ng lalaking Voltaire, sabay turo kay Zoey na nakakandong sa akin. No! Walang sino man ang kukuha sa kaniya. Hindi ko hahayaan na mangyari iyon.

"NO! Zoey will stay here... with us!" tili ni Peter at sinamaan ng tingin ang kambal.

"Ano pang mapapala niyno sa babaeng 'yan? Patay na siya, kaya ibigay ninyo na siya sa amin. She's a traitor at kulang pa ang kamatayan para maging kabayaran sa mga kapalpakang nagawa niya." unti-unting naglakad papalapit samin si Jenice. 

How dare she? Anong karapatan niyang sabihin iyon sa kaibigan namin? Naitikom ko ng mariin ang mga kamay ko. Unti-unti na ring nagdidilim ang paningin ko, dahil sa mga kalapastanganang sinasabi niya. 

I want to kill her now!

"Damn you! Hindi pa patay ang kaibigan namin." naluluhang sabi ni Audrey, nakita kong nagtataasan na ang mga ilang tipak ng bato sa tabi niya. 

Hindi kami maaaring magpadala sa emosyon ngayon! Alam kong inoobserbahan lang kami ng kalaban kung hanggang saan kaya naming panghawakan ang aming mga emosyon. At kung kailan, alam nilang lubog na lubog na kami tsaka sila gagawa ng atake.

Princess of the Mystique KingdomBasahin ang storyang ito ng LIBRE!