Start

15 0 0
                                    


START



"Please Railene. Be my girlfriend." Pagmamakaawa ni Austin, isa sa mga manliligaw ko.

"No. You know my decision is final. And it will always be a No." Sabi ko kay Austin ng seryoso. Nakita ko ang dismaya sa kaniyang mata ngunit hindi ako nagpatinag. Tinignan ko siya ng matalim pero nakayuko siya kaya hindi niya napansin.

"Railene naman oh. Gagawin ko lahat para sayo. Mahal na mahal kita, Railene. Please." Hinawakan niya ang kamay ko na agad ko rin naming hinawi. Ayoko talaga ng physical contact sa mga lalaki. Nandidiri ako. Nasusuka.

"Austin, lubayan mo nga ako. Ano bang hindi mo naiintindihan sa 'Ayoko sayo Austin'? Ayoko kaya pwede ba, wag ka ng umasa at maghabol pa." Mariin kong sabi kay Austin para tumigil na siya. Tinalikuran ko na siya at baka may idugtong pa siya sa mga sinabi at pagmamakaawa niya kanina. Bwiset na lalaki, hindi marunong makaintindi. Simpleng ayoko hindi matanggap. Irita.

"Fifty-four, Zoe." Salubong saakin ni Arisse ang nagiising bestfriend ko pagkatapos kong talikuran si Austin. Kumunot ang noo ko dahil sa hindi pagkagets sa sinabi niya.

"Pang fifty-four na lalaki na si Austin na nabasted mo." Sabi ni Arisse habang tumatawa at pinapalo pa ako sa braso.

"Wow ah? Binibilang mo pala?" Inirapan ko nalang siya dahil sa pagbibilang na ginawa niya. Tuwang tuwa pa yan kapag nakikita mga mukha ng mga lalaking nababasted ko.

Tsk. Bwiset. Bwiset na mga lalaki .Bwiset na Austin. Bata palang ako, nabuhay na ako sa bwiset ko sa mga tao - lalo na sa mga lalaki. Pare-parehong manloloko at manggagamit. Walang ibang ginawa kundi ang maglaro. Kung akala nila, mananalo sila pag dating saakin, nagkakamali sila. Kayang kaya ko silang bastedin at saktan. Dapat lang sakanila 'yan dahil bwiset sila.

Sa panahon kasi ngayon ang pagsasabi ng "I love you" ay ginagamit na parang nagsasabi lang ng "Hello". They say it even though they don't mean it. Useless and stupid. Sasabihing "ikaw lang" pero maya maya makikita mo sa contacts ng phone nila yung "babe 1" ,"babe 2", "babe 3" and so on. Liars. Papangakuan ka pero maya-maya Aalukan ka ng kasal tapos maya-maya may iba na palang inuuwian. Grr, boys and their stupid games.

Tapos maya maya makikita mong nagmamakaawa na balikan ka at bigyan ng second chance? HUh. Once is enough, twice is much. Sa una lang sila magagaling, tsk.

Mamgmula nang narealize ko 'to, walang kahirap hirap ko natatanggihan lahat ng lalaki kahit minsan pati babae. Kahit alok ng tulong, No. Alok ng pagkakaibigan, No. Everything about me, No. Nakapagtayo na ata ako ng great wall of Railene Zoe na nakapalibot saakin para lang walang makalapit at mapalapit saakin. Si Arisse lang ang natatanging naging kaibigan ko. Sapat na siya kaysa magkaroon ako ng maraming kaibigan na puro peke naman.

"Zoe, may nakita akong gwapo kanina sa kabilang room natin. Transferee ata eh. Tapos Zoe, shet lang yung mukha, pangmodel! Yung mata niya color light brown. Ang kapal pa ng eyebrows. Ts yung jawline niya, pak na pak!" Tuloy tuloy na sabi ni Arisse habang kinikilig at pinagpapalo ako. Tumatalon talon pa siya. Minsan hindi ko magets kung paano kami naging magkaibigan ni Arisse eh sobrang baliktad kami sa isa't isa. Siya ang daming crush at halos magkandarapa sa mga gwapo sa school, samantalang ako, walang pakialam.

"Really, Arisse? Saakin mo talaga yan sinasabi? Alam mong wala akong pake sa lalaki kahit gwapo pa 'yan." Pagsusungit ko kay Arisse.

Painting StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon