Chapter 43 -Taympers! (Time freeze)

79.3K 1.6K 63
                                    

Ng mahamig ni Caleb ang sarili ay tumayo siya at para sundan ang dalaga.

"Mayor, ano pong nangyari?" Humarang si kuya Randy sa harap niya.

Tinignan ni Caleb ng masama ang kanyang driver. "Sinunod ko lang naman kasi ang payo mo kuya, kita mo napala ko?" Turo ni Caleb sa kanang pisngi. Dahil mestiso, halata ang namumulang bakat ng kamay ni Jenna.

Grabe kung makasampal ang babaeng yun, halos mayanig ang mundo niya sa lakas ng palad nito.

Natawa si Caleb, "that woman, hindi ko pa nga girlfriend, under na agad ako."

Natatawa din si kuya Randy sa sinabi ng mayor.

"Ikaw na muna bahala dito kuya, hahabulin ko lang ang magiging first lady ng Sta. Monica."

Dahil malakas ang pagkakasabi niya ay hindi lang si kuya Randy ang nakarinig kundi ang ibang mga empleyado.

Nagsigawan ang mga ito

"Goodluck mayor!"

"Go, mayor!"

Natatawang lumabas si Caleb ng Desire. Excited ang mga itong magka-first lady na ang Sta. Monica.

"Baby, saan ka nagpunta?" Inilibot niya ang mga mata sa paligid ngunit ni anino ng dalaga ay hindi niya makita. Bumalik siya para itanong sa gwardiya kung anong direksyon ang pinuntahan nito.

"Mayor, tumakbo po pakaliwa si ma'am."

Nagpasalamat siya dito at agad na tinahak ang direksyon itinuro ng guwardiya.

***

Inis na pinahid ni Jenna ang luhang tumutulo sa kanyang pisngi. Nakaupo siya sa isang bench sa madilim na bahagi ng parke sa gilid ng Desire.

"Bwisit na Venganzo, may fiancée na nga, may gana pang manghalik sa harap pa ng madaming tao."

Pasalamat ang mayor dahil hindi niya ito binayagan. Naisip niya kasing sayang ang lahi nito kapag napuruhan niya.

Naalerto si Jenna ng makarinig ng mga yabag na papalapit. Dahil madilim hindi niya masyadong maaninag kung sino ang parating. Pero sigurado siyang bulto ito ng isang lalaki.

"Sige lapit." Pinatunog niya ang mga mga daliri. Tamang-tama nasa mood siya ngayong makipagsapakan dahil sa inis niya sa mayabang na mayor.

Pumusisyon siya para atakihin kung sino man ang pangahas na sumira ng pagi-emote niya ng mabitin sa ere ang paa niya, dahil pamilyar sa kanya ang amoy ng pabango ng lalake.

"Goodness baby, may balak ka bang baldaduhin ako?"

"Caleb?" Paninigurong tawag ni Jenna sa pangalan nito.

"Yes baby, ako nga." Lumapit si Caleb at dahan-dahang ibinaba ang paa niya.

Umahon ang inis ni Jenna, "anong ginagawa mo dito?" Asik niya sa binata.

"Sinundan kita, baby."

"May pa baby, baby ka pang nalalaman. Baby-hin mong mukha mo! Hindi baby ang pangalan ko!" Singhal niya dito.

Caleb chuckled, "bakit ba ang sungit mo baby? "

Matalim na tinignan ni Jenna si Caleb. "Isa pang baby at ihahagis kita pabalik ng Desire!" babala niya sa binata.

Speaking of Desire, bigla niyang naalalang nakikipaglandian ito kanina sa waitress. Mas lalong nadagdagan ang inis niya sa mayor. "Bakit hindi yung waitress ang tawagin mong baby? Tutal kung makangiti ka naman doon kanina, wagas!"

Sa halip na matakot ang lalaki sa banta niya ay ngumiti si Caleb, kaya lumabas ang pantay-pantay na ngipin nito.

"Syeeeet na malagkeet, bakit ba kasi ang pogi mo?"

The Hottie MayorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon