TAL. 16 -- Failure

"Ano, handa na ba?" tanong ko kina Gino at Chanel pagkalabas ko ng silid. Katatapos ko lang maligo at magbihis at paalis na din ako.

"Oo, eto, sis." inabot sa akin ni Chanel ang isang brown paper bag na naglalaman ng packed lunch na inihanda namin. Pasado alas otso pa lamang ng umaga bg dumating dito sina Cha at Gino para tulungan akong magprepare ng pagkain for Daryl kahit pa sinabi ko na kaya ko na mag-isa. Tutulungan daw nila ako dahil 'yun ang gusto nila kaya pumayag na lang din ako.

"Thanks." nginitian ko sya at hinalikan sa pisngi bago lumapit naman kay Gino at niyakap ang bakla. "Thanks, bakla."

"Bakla ka dyan!" tili ni Gino na ikinatawa ko ng bahagya. "Go na! 11:00 na, umalis ka na para maabutan mo pa bago makakain si Fafa Daryl!" pagtataboy nya sa akin.

"Okay na ba ang itsura ko?" kinakabahan ako ng bahagya. Potek! Para akong manliligaw ah! I made sure na magandang maganda ako ngayon para hindi ako ma-resist ng asawa ko.

"Oo naman! Alis na!" sabi naman ni Chanel.

"Sige na nga! Kayo na ang bahala dito ha. Thanks again!" tumalikod na ako at naglakad palabas ng unit ni Daryl.

Nang makasakay na ako ng kotse ay huminga ako ng malalim. Get ready, Cassandra. Do everything para mapaamo mo na kaagad ang asawa mo.

Iniwasan kong magpakalulong sa kalungkutan simula ng gabi na umalis si Daryl instead umisip ako ng mga plano kung paano mapapalambot ang puso nya. Ito nga ang isa sa mga naisip ko, ang dalhan sya ng pagkain sa office.

Punong-puno ng pag-asa ang puso ko habang nagmamaneho papunta sa opisina nya. Binuksan ko pa ang radio para gumaan ang atmosphere at maiwasan ko ang kabahan. Hindi naman kasi maitatanggi na paano kung hindi pa ako gustong makita ngayon ni Daryl? Paano kung iwasan nya lang ako at ang kahantungan lang ay ang uuwi akong lulugo-lugo dahil walang nangyaring maganda sa ginawa ko?

Pero hindi eh. Alam ko na hindi naman magiging madali para mapatawad nya ako. Tulad nga ng sinabi nya, sumobra na ako. Basta kahit ano pa man ang kahantungan ng mga mangyayari sa amin, gagawin ko ang lahat para mapatawad nya ako.

Nang makaparada ako sa parking lot kung saan alam kong dito naka-schedule si Daryl ay napalunok ako. 'Wag lang sana ako kainin ng sobrang kaba na nararamdaman ko. Pagdating kasi kay Daryl, parang naduduwag ako. Para makasigurado pa talaga na dito sya ngayon, kinuha ko ang organizer ko at may isang note dito para sa weekly schedules ni Daryl. Sa dami na din ng inaasikaso nya katulad ko, araw-araw ay sa iba't ibang opisina sya nagrereport. At ngayon nga, dito sa negosyo nila ni JD sya papasok.

First time kong mapakapunta dito kaya naman medyo palinga-linga pa ako ng makababa. Bitbit ang paper bag ay naglakad na ako papunta sa entrance door nitong shop nila ni JD. Shop na nagbebenta ng mga gadgets.

"Good morning, Ma'am." bati sa akin ng nakatalagang security guard na nasa may pinto.

"Ahm, nandyan ba si Mr. Montenegro?" tanong ko na bahagyang sinisilip ang loob.

"Si Mr. Daryl po? Opo. Nasa loob sya. Pasok kayo." nakita ko pa ng sulyapan nya ang dala ko bago binuksan ang pinto para papasukin ako.

Nasa loob na ako ng maalala na hindi pala ako nakapag thank you man lang sa guard. Hindi ko kasi kinasanayan kaya minsan ito ang sinisita sa akin ni Daryl. Sinalubong ako ng isang babae. "Good morning, Miss."

"Si Daryl?" walang ligoy kong tanong.

"Upo muna kayo doon, Ma'am." at itinuro nya ang isang tabi kung saan may couch at nagsisilbing waiting area. "Tatawagin ko lang si Sir."

Taming a LionessBasahin ang storyang ito ng LIBRE!