Napangiwi si Jenna ng mapansing literal na napanganga ang lahat. Grand entrance lang ang ginawa niya kung maka-react naman ang mga to para siyang diyosang bumaba sa lupa.
"Syeeet, ang ganda ko!"
Napaismid siya ng bumaling kay Caleb, she can see dark aura na pumapaligid dito. Problema ng Mayor na to? Ni hindi man lang ba naapektuhan sa get up niya? Napangisi siya, tignan lang natin mayor.
Napakislot siya ng tumili ang isang empleyado. "Oeeemggeeeee! Ma'am Jenna, ang ganda mo." Palundag itong lumapit sa kanya.
Nagsunuran din ang ibang kababaihan. "Oo nga ma'am, ang astig!"
Kaya panandaliang nawala ang atensyon niya sa kay Caleb.
Samantala, ngitngit na ngitngit naman si Caleb habang sinusundan ang bawat galaw ni Jenna. Imbes na ngitian siya nito ay irap pa ang natanggap niya. Idagdag mo pa ang mga lalaking emplayadong ang lalagkit ng tingin sa bawat pag-imbay ng balakang ng dalaga.
"F*ck, pagdudukutin ko kaya mga mata nila!" Kung hindi lang iniisip ni Caleb na siya ang alkalde sa lugar na ito at empleyado ng city hall ay kanina pa niya sininghalan ang mga ito
"Mayor, kanina pa lukot yang mukha mo, magmula ng dumating si ma'am Jenna." Puna ni Kuya Randy sa kanyang tabi.
Nagtangis ang kanyang mga ngipin sa galit, "nakakairita, kung makatingin ang mga lalakeng yan sa ma'am Jenna mo, ay halos hubaran na. Kung tanggalan ko kaya sila ng trabaho?"
Natawa si manong Randy, "ikaw naman kasi mayor, ke bagal-bagal mo. Daanin mo sa santong mabilisan."
"Mayor, baka may gusto po kayong kainin?" Agaw atensyon ng waitress. May nakapaskil na mapang-akit na ngiti sa mga labi nito.
Caleb is about to ignore the waitress, when he saw Jenna looking at him. "Gotcha, baby!"
Sa halip na sagutin ng wala ay nginitian ni Caleb ang waitress. "Just give me, Desire's specialty."
"Okay, mayor." Kagat labi at kinikilig na iniwanan ng waitress si Caleb.
Jenna felt anger rising through her veins, ng masaksihan ng mismong dalawang mata niya ang pakikipaglandian ni Caleb sa waitress.
"Ang kapal ng pagmumukha, may fiancée na nga, nakikipaglandian pa! Kung ngumiti pa ang loko, nakakawala ng kaluluwa. Bawasan ko kaya ang mga ngipin nito sa harap?"
She gritted her teeth, ganyan pala ang gusto mo ng mayor na to ha?
Watch and learn mayor, tinanggal niya ang kanyang Jacket at ipinatong sa upuan. Ipinaskil niya ang matamis na ngiti sa mga labi at mabagal na naglakad palapit sa lamesa nito.
Caleb is dumbfounded when he saw Jenna walking towards him. Litaw ang maliit nitong bewang. F*ck mura na naman niya sa isip. Bakit ba kailangan ng babaeng idisplay ang katawan nito sa lahat?
Dahil abala sa pagtitig kay Jenna hindi niya napansing lumapit na ang waitress sa kanya dala dala ang order niya.
"Mayor, heto na po ang pagkain niyo."
Caleb nodded, but his eyes remained on Jenna.
Napangisi si Jenna ng mapansing nakatitig lang sa kanya si Caleb. Ni hindi pinapansin ng alkalde ang waitress na nangangawit na ang panga sa kakangiti pati ang kamay nitong may hawak na tray ng pagkain.
Jenna stopped in front of Caleb at dahan-dahang siyang yumuko. Pinagpantay niya ang mga mukha nila. Jenna, lifted her hands and gently touch his chin. Ramdam niya ang paninigas nito. She smiled sweetly and whispered. "Close your mouth, mayor, baka mapasukan ng lamok." She seductively bites her red lips bago siya lumayo kay Caleb na halos lumuwa ang mata sa pagkakatitig sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Hottie Mayor
RomanceJenna Storm Sarmiento thought her mission will be boring. Bantayan ang isang super hot na mayor Ng hindi nito nalalaman. With his looks and power, madaming nagtatangkang pumikot sa alkalde ng Sta. Monica. Kaya nagdesisyon ang ina nitong lumapit sa...