Day 153 : High

7.2K 291 32

High
-----

"Sino po ang may fear of heights dito? May iba pong trail para sa hindi tolerant sa heights."

Nagkatinginan kami ni Ash after magtanong ng tour guide.

"Ano?" tanong ko sa kanya at mahina siyang siniko. "Sa wimpy trail tayo?"

Ngumiti lang siya. " 'Yung hanging bridges nga ang habol natin, 'di ba?"

Nag-pout ako. "Gagayahin natin 'yung sa dream ko, gano'n?"

"Hindi po, Miss. Makikitili ako sayo para sweet," sabi niya at mahinang tumawa.

Inirapan ko siya. Mukhang seryoso siya na totohanin 'yung panaginip ko. Bakit naman ako tututol?

Sabado. October 31st. Umaga. Nasa Masungi Georeserve kami sa Rizal for our second date. Maganda ang sikat ng araw kahit naging maulan the past days. It's a good day to be scared, be held and be kissed on a hanging bridge.

Paghudyat na tapos na ang briefing, we started the trek. Ang laki ng ngiti ko sa nakapalibot na makakapal na puno at halaman. Humuhuni ang mga ibon at may lamig na dala ang mga puno. I instantly loved the place. There's something majestic and calming in being at one with nature. Madaling huminga at maging malaya. Unlike sa bahay.

Gusto ko sanang itaas 'yung dalawang kamay ko at huminga nang malalim pero medyo nahihiya pa 'ko sa mga kasabay naming visitors. Baka mawirduhan sa 'kin.

Four pairs kaming nasa isang group. Dalawang pares ang lovers at ang isang pares naman ay mag-bestfriend na girls. Ang sabi sa orientation, 2-4 hours ang trail, depende sa kung gaano katagal kaming mag-stay sa isang point or peak to take pictures.

Napabaling ako kay Ash na nakangiti akong pinanonood habang nasa tagiliran ko.

"Bakit?" I asked him.

"Ang ganda ng ngiti mo," casual na sabi niya at hinawakan ang kamay ko.

Tumungo ako sandali para itago 'yung siguradong pamumula ng mukha ko.

Lately, mas maayos na kami mag-usap. Lagi pa ring nakikipag-unahan sa hininga ko 'yung tibok ng puso ko pero mas madali nang maging komportable. We can tell each other our thoughts and banter like in our messages. Mas madali na ring magpalambing o manglambing. Kahit na nakakatakot 'yung pagdating ng birthday ko, kasi baka ma-brokenheart ako sa magiging desisyon nina Mommy at Daddy, mas madaling maging masaya dahil alam kong mahal ako ni Ash.

I know what it feels like to claim someone and to be claimed back. Pero dahil si Ash 'yung someone na 'yun, I feel a particular high everyday.

It feels like walking on clouds and owning the sky every time I will remember how he feels for me.

Nagkakatawanan pa kami no'ng nasa sementadong trail pa lang. Pero pagdating namin do'n sa tinatawag na Lambat, medyo kinabahan na 'ko. May nakaharang na rock wall sa daraanan namin at aakyatin 'yun gamit 'yung parang lambat na rope structure.

"Akyat na. Nasa likod mo 'ko," susog ni Ash nang hindi ako agad gumalaw no'ng ako na 'yung aakyat.

Huminga na lang ako nang malalim bago kumapit sa lubid. Ayoko namang masabihang maarte ng mga kasabay namin. Namumuti 'yung knuckles ko sa pagkapit sa lubid dahil sa nerbyos ko. I was also reminding myself not to look down.

Napansin yata ng tour guide na si Ate Lora 'yung kaba ko. Sabi niya sa 'min ni Ash, mas mataas pa 'yung ibang peak at ibang aakyatan.

At totoo nga 'yung sinabi niya. Halos hindi ako makakibo no'ng umakyat kami sa mga batuhan. Wala pa namang harness sa ibang akyatan. 'Yung iba naman, rope-net lang din. Nililibang ko na lang ang sarili ko sa limestone formations na nadadaanan namin at sa mga nagkalat na halaman. May isang parte na masagana ang tubo ng jade vines at titan arum.

Goodbye Girl : Days To Forget (Day Book)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon