Chapter 41: Poisoned

 

Author’s Note:

For all the unrequited situations, for the memories to be forgotten, for the bravest and moving on, for those who drank the poison, for the hopeful. No regrets.

+Siel Alstreim+

Soundtrack: I Can’t Make You Love Me – Adele

I was so comfortable. It was probably one of my best sleeps. It was like my body was getting everything it needed to rejuvenate. And I didn’t wanna wake up yet.

But something told me that I have to. May mali sa masarap na pakiramdam na nararanasan ko ngayon at hindi ko matandaan kung ano. Pinilit kong buksan ang aking  mga mata. Maliwanag na at ganun pa rin ang silid na kinalalagyan ko. Napalingon ako sa kabilang bahagi ng kama ko. It was empty. But someone had been there. I could still smell his enchantingly manly scent—wait! Bigla ang ginawa kong pagbangon, dahilan upang gumuhit ang kirot sa ulo ko. Masyado pang maaga pero sapat na ang liwanag para simulan ang araw na ito.

Nasaan na ang taong iyon?

Nagmamadali akong bumangon at nagtungo sa banyo upang maligo. Mahimbing pa rin ang tulog nina Jamie at Mirden nang matapos akong ayusin ang sarili ko. Jeez. For being a kidnapper, I was such a big time failure. Paano ako nagawang layasan ng biktima ko nang walang kamalay-malay? Not that I was planning to tie him in a chair. It was just that—uh! I felt responsible for everything that was about to happen. And I had no idea where I would find him. Unang pumasok sa utak ko ang cafeteria. Malamang na naisip niyang simulan ang umaga. Kasama ng mainit na kape, ang malanding tagapagsilbi—Oh sh*t! Hindi ko siya masyadong nabigyan ng detalye tungkol sa Elixir of Life.

I ran towards the cafeteria. Halos mangilan-ngilan lang ang mga estudyanteng naglalakad sa paligid ng campus—the early birds. I never thought I would be one of them. But, just this once! I crashed into the place like I just came from an important war of the millennium. Maybe not. It was actually like I wanted to start World War 3. Nakuha ko ang atensyon ng mangilan-ngilang estudyanteng nag-aalmusal. Nahagip ng paningin ko ang isang pares ng mga mata. Agad kong nilapitan ang nagmamay-ari nun. He just threw me a bored look. Nakita ko ang isang tasa ng walang bawas na kape sa harap niya. Kinuha ko iyon.

“Don’t drink it,” wika ko.

He frowned at me. “Sumugod ka rito para lang pigilan akong magkape?” Arogante niyang sagot. He always got this thing going when he makes me feel like I was an idiot.

“Yes. And you shouldn’t really drink this coffee,” matigas kong sagot. Nahagip ng paningin ko ang tila nabato-balaning reaksyon ng mga taong nakatingin sa amin. Tila hindi sila makapaniwala sa diskusyon namin. Ni hindi sila gumagalaw. It was like the world stopped to watch our nonsensical war.

“You listen, woman! I usually drink five cups of coffee in a day. And I always make sure that it has less sugar. And now you’re telling me not to drink coffee? Screw you! Give it back!” At akma niyang kukunin. Inilayo ko iyon upang hindi niya na maabot.

“No! You listen, jerk! I am telling you not to drink this coffee and you will not drink this coffee!” Wika ko.

Montello High: School of Gangsters (Published under Cloak Pop Fiction)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!