An: Nonstop ang ulan, keep safe guys. ❤️

*****

Caela / Avrice Jazze.

"Hinay-hinay naman sa pag-atake, leader. Masisira mo ang gwapo kong mukha. Sayang, maraming iiyak na babae." Sigaw ni Ian habang patuloy na umiiwas sa pag-atake ni Dash.

Nasa training grounds kami ngayon at silang dalawa ang kasalukuyang nagsasanay. Samantalang ang mga natitirang Superiors ang nagsilbing audience sa kanila.

Halos manlaki ang mata ko nang magpalabas pa si Dashiell ng isang fire phoenix at walang atubiling sinugod nito si Ian. Hingal na hingal na si Ian sa pagtakbo, tagaktak na rin ang pawis niya kanina pa. Wala yatang balak tumigil itong trainer niya. Hahaha!  

"Leader, parang-awa mo na!" 

"Tss." Tanging sagot ni Dash sa kaniya at ipinagpatuloy ang pagbato ng mga malalaking fireballs kay Ian.

"Wala talagang mapapalang matinong sagot diyan kay Leader." naiiling na saad ni Harper habang kumakain ng popcorn. Akala mo naman movie ang pinapanood namin.

"Ano pang aasahan mo diyan kay Leader? Eh ang baby niya lang naman ang kinakausap niyan ng matino." Nakangising sagot naman ni Audrey at bahagyang kinurot pa ang bewang ko.

Mga sira talaga! Ako na naman ang napansin nila.

"Ang hilig i-baby itong si Jazze, hindi naman sanggol. HAHAHAHAHA!" Sabat pa ni Marcus. Ang lakas pa ng tawa ng loko.

"Hindi ko nga alam kung sino ang sanggol sa kanilang dalawa, si Dashiell ba o si Jazze." Nangingising dagdag pa ni Ivan.

"Sumbong ko kayo kay Dash, kung anu-ano sinasabi ninyo." Biro ko sa kanila na sinabayan pa ng tawa.

"Biro lang naman Jazze. Hindi ka na mabiro." Ngising-ngising sagot ni Marcus sa akin na tinawanan ko lang.

"Hey, love! You're so sexy when you are laughing. I can't focus on my training." A husky voice whispered in my ears.

Hindi ko namalayan na nasa tabi ko na pala siya. Ramdam kong nagtayuan ang mga balahibo ko sa batok. Damn! His voice is so sexy.

"He! Nilalandi mo na naman ako." Sabi ko sabay siko sa tiyan niya.

"Bakit ba napakasadista mo? Hmm." Tanong ni Dash sa akin habang nakangisi. Nagiging sadista talaga ako kapag kinikilig. Hahaharot!

"Ang harot mo kasi. Magtraining ka na nga lang ulit." Biro ko sa kaniya. Umayos lang naman siya ng upo at hinawakan ako sa bewang pagkatapos ay hinapit papalapit sa kaniya.

"Ikaw lang naman ang hinaharot ko." Tawa siya ng tawa sa sagot niya sa akin. I felt that my both cheeks heated up.

Ang landi talaga ng boyfriend ko! Inyo na nga lang. Kainis! Just kidding!

"Hmm. Ang bango naman ng baby ko." bulong niya habang inaamoy ang leeg ko.

Holy shit! Ano ang nangyayari sa kaniya ngayon?

"Puro na lang romance ang napapanood natin sa tuwing naghaharutan silang dalawa sa tapat natin. Aish! Single ako, kaya respeto naman." Palatak ni Ian na siyang nagpagising sa akin. Damn! Nakalimutan ko na naman na may mga kasama nga pala kami dito. Nakakahiya!

"Shut your mouth, Wesley, or else." Banta niya kay Ian at hindi pa nasiyahan 'tong supladong 'to sinamaan pa ng tingin 'yung kaibigan namin. Loko-loko talaga.

"Si Leader naman, sobrang seryoso sa buhay. Nagbibiro lang naman ako. Ha-ha!" Alanganing sagot niya. But Dashiell just glared at him. "Eto na nga Leader, tatahimik na ako. Ititikom ko na ang bibig ko. Si Harper kasi, inutusan akong asarin ko daw kayo!" Nanisi pa ng iba. 

Princess of the Mystique KingdomBasahin ang storyang ito ng LIBRE!