52

76.6K 2.8K 549

Someone.

"What you did was wrong. Pumalpak ka na naman!" Paangil na bungad sa akin ng babaeng kausap ko. Nakatingin lang ako sa kaniya at tinatanggap ang matatalim na titig niya sa akin.

Nandito kami sa tagong parte ng academy at nakakasigurado akong walang makakaalam na may nag-uusap dito.

Agad akong nagtungo dito pagkatapos kong masiguro na gumising na nga siya. She's finally back! Alam ko namang babalik at babalik siya sa amin. And I'm so glad with it but the other part of me, felt guilty.

"Kung hindi ka pumalpak, e di sana patay na ang letseng Caela o Jazze na 'yon, kung ano man ang punyetang pangalan niya! Wala na sana tayong problema." Galit din na saad ng isa pang lalaki na nasa harapan ko rin ngayon.

Behind their angelic faces hide a devil itself. Halang din ang mga kaluluwa nila katulad ng haring kanilang sinasamba. Hindi ko alam kung bakit naaatim nilang gumawa ng masama, sabagay wala na nga din pala akong pinagkaiba sa kanila. Isa din ako sa nagdulot ng kapahamakan sa iba lalong-lalo na sa kaibigan ko.

"Pasensya na! May iba pa namang pagkakataon para maisagawa 'yung ibang mga plano." Tanging naisagot ko na lamang sa kanila.

"No! Wala ng ibang pagkakataon. Sinira mo na! You're so stupid, b-tch!" Sabing muli ng magandang babaeng katapat ko ngayon.

Ayos lang! Tatanggapin ko lahat ng masasakit na mga salitang ibabato nila sa akin. Tutal kasalanan ko naman talaga.  And I'm very used to it. Mas masakit pa ang salitang natatanggap ko sa sariling ama't kapatid ko.  

"Lagot ka na naman sa ate mo. I know Sophia is mad right now. Alam kong alam na niya ang ginawa mo. Get ready to face her wrath." Nananakot na ani pa ng lalaki.

Alam kong kapalit ng kapalpakang ginawa ko ay ang galit ni Ate Sophia. At kahit anong gawin kong paliwanag sa kaniya, hindi niya ako papakinggan dahil kahit kailan hindi ko naman naramdaman na itinuring niya akong kapatid. Kahit na ba sabihing magkapatid lang kami sa ama.

"Kaya ba pinili mong hindi ituloy ang plano ay dahil naaawa ka sa letseng prinsesa na 'yon? Walang lugar ang awa sa mga taong katulad mo, sa mga taong katulad natin." Pagpapaintindi nila sa akin.

Alam ko naman, pero matagal ng nabago ang puso ko simula nang pumasok ako dito. Kaya nagi-guilty ako sa mga kasamaang ginagawa ko. Dahil kahit anong sabihin nila, gumawa pa rin ako ng ikapapahamak ng prinsesa, ng mismong kaibigan ko.

"S-she's my f-friend." Naiipit ako sa dalawang mundo at mahirap ang ganito. Masakit sa kalooban.

Nobody wants to be in this place, in my place. Nakamamatay ang guilt na nararamdaman ko.

"That's bullshit! Kaibigan? Tanga ka? Paano ko ba ipapaintindi sa'yo na kaya ka pumasok dito sa academy ay para unti-unting sirain sila. Ang tagal mo na dito pero kahit isa wala ka pang nagagawang tama. You had your chance! Lalasunin mo lang 'yang letseng prinsesa ng mundong ito pero hindi mo pa rin nagawa. Sa tingin mo ba ituturing ka pa rin nilang kaibigan kapag nalaman nila ang ginawa mo? NO! HINDI KA NILA TATANGGAPIN PANG MULI. DAHIL BALI-BALIKTARIN MO MAN ANG MUNDO, ISA KANG TRAYDOR. TINATRAYDOR MO SILA! KAIBIGAN PA RIN BANG MATATAWAG IYON?"

It hits me. Parang isang bombang sumabog ang mga linyang binitawan niya. Nakakaiyak ang katotohanan. Yes I am a traitor! Malaki ang kinalaman ko sa lahat ng nangyari kay Jazze.

Ako ang naglagay ng pampatulog sa pagkain niya, na dapat ay lason. Our plan is to poison her while she's under the dream-reality illusion para habang nasa ilalim siya ng ilusyon na iyon, unti-unting kakalat ang lason sa buong katawan niya hanggang sa mamatay na siya. But I can't,  hindi ko kaya! Hindi ko kayang panoorin lang siya na unti-unting namamatay.

Kung sana may pagpipilian lang ako. Kung sana iba ang naging ama ko, iba ang naging pamilya ko. Yes! I have a choice. Meron nga pala akong pagpipilian. Pwedeng-pwede kong huwag sundin ang ama ko at manatili na lang dito sa academy. Pwede kong piliin ang pagkakaibigan namin ni Jazze. But I chose to follow my father's order. Gusto kong may mapatunayan sa kaniya, kahit na papaano. Gusto kong maramdaman na natutuwa siya sa ginagawa ko. Pero noong nandoon na ako, hindi ko pala kaya!

Pinalitan ko ito ng pampatulog sa halip na lason. Bahala na! Pero hindi ko pala kayang makitang mamamatay si Jazze. Alam ko namang malalampasan niya ang ilusyon na iyon. Kaya sobrang saya ko nang nagbalik siya. At kahit kailan hindi ko pagsisisihang pinalitan ko ang dapat na lason na siyang kikitil sa buhay ng kaibigan ko.

Mahal ko siya. Tinuring niya ako ng tama. Napakabuti niya sa akin, sa lahat ng taong nakapaligid sa kaniya. She's like a sister to me. I salute her so much. Pero hindi nito maiaalis ang katotohanang nagtraydor pa rin ako.

Sinayang ko lang 'yung pinagsamahan namin. Sinayang ko 'yung tiwala na ibinigay niya sa akin.

I am her friend but I betrayed her. I betrayed the academy. I betrayed my friends, the Superiors. I betrayed El Mystique.

"Get ready to face death, dear. HAHAHAHA! Bye." Ani pa nilang muli bago sabay na naglaho sa paningin ko.

Unti-unti akong napaupo sa lupa. Napakalaki ng kasalanan ko. Nagtraydor na nga, wala pang nagawang tama sa mata ng ama at kapatid ko. Alam kong hindi sila mangingiming patayin ako. Wala na rin akong pamilyang uuwian dahil alam kong pareho nila akong ipagtatabuyan.

Pero bago iyon, haharap muna ako sa kanila. I want to see my friends for the last time. Hihingi ako ng tawad sa kanilang lahat lalo na sa kaniya. Dahil baka hindi ko na sila makitang muli. Alam kong kamatayan ang naghihintay sa akin sa pagbabalik ko sa kaharian ng ama ko at ng kapatid ko.

A traitor like me, don't deserve my friends' trusts and love.

I deserves nothing, but hatred.

I deserves to be loathed forever.

I, Zoey Asselin Lite, deserves death. I'm a f-cking traitor. And yes! I really deserve to die.

Princess of the Mystique KingdomBasahin ang storyang ito ng LIBRE!