Caela.

Agad akong napatakip sa sariling mata nang bumungad sa akin ang nakasisilaw na liwanag paglabas ko ng pinto.

Malamig na simoy ng hangin ang humaplos sa aking balat. Pansamantalang nakaramdam naman ng kapayapaan ang buong sistema ko. Nakakaginhawa sa pakiramdam.

Pagkaraan ng ilan pang segundo nang maramdaman kong nakapag-adjust na ang mata ko, unti-unti ko na rin itong iminulat. Hindi ko alam kong maiiyak ba ako o matutuwa sa nakikita ko ngayon. 

Sumalubong sa akin ang malawak at makulay na parang. Nandito ako sa teritoryo ng mga diyos at diyosa. Parang nakakaloko di ba? Pinaglalaruan na lang yata ako.

Seeing this place right now, makes me more frustrated. Ano, pinapaasa na naman ba ako? Dinadaya na naman ba ako ng mga paningin ko? Damn!

Parang ayoko na... Gusto ko na lang magpahinga. Gusto ko na lang na bumitaw, wala na rin naman 'yung mga taong pinanghahawakan ko.

Nakakapagod na ring umasa. Nakakasawa nang mag-isip kung ano ba ang totoo sa hindi.

Hindi ko namalayan na napaupo na pala ako sa kung saan habang umiiyak. Nanghihina ang mga tuhod ko. Pagod na pagod na akong makaramdam ng sakit. Ipinanganak lang ba ako para saluhin ang lahat ng sakit at pait sa mundo?

Do I deserve all of these?

"Ssh, stop crying." Isang mahinhin na tinig ang narinig ko na nagmumula sa aking likuran. Naramdaman ko din ang masuyong paghaplos nito sa buhok ko.

Nilingon ko naman ang pinanggalingan ng boses para mapagtanto kung sino ito.

"Goddess Aika..." Naiiyak na bulong ko, na kahit ang sariling boses ko ay hindi ko na rin halos marinig. But somehow, I felt relieve when I saw her.

Isang mabining ngiti ang itinugon niya sa akin, bago lumuhod sa harap ko para magkapantay kami. Isang ngiting nagsasabing, 'Magiging okay din ang lahat.'

"Stop crying," pag-uulit niya habang patuloy na hinahaplos ang buhok ko. Isang malaking bagay na rin para sa akin ang ginagawa niyang pag-comfort.

"Pagod ka na ba?" isang tanong na hindi ko alam kung ano ba ang isasagot ko. Pero kalaunan din ay sinagot ko siya ng isang mabagal na pagtango. Hindi naman siguro masamang mapagod di ba? Kung iyon naman talaga ang nararamdaman ko.

"Yes, Im tired. Pagod na pagod na po ako." I want to tell her everything... all the pain I'm feeling right now.

"Nasasaktan ako dahil hindi naman pala totoo ang lahat, nasanay na ako e. Nasanay na po 'yung sarili ko na may pamilya na ulit na inuuwian, na may pamilya na ulit na tinatawag. May mga kaibigang handa akong tanggapin sa kung sino ako, may lugar na kung saan talaga ako nababagay. Doon ako natutong magmahal... pero b-bakit? Bakit po bigla na lang ako ginising sa katotohanang hindi totoo ang lahat. Lahat sila, hindi nag-eexist."

"Ayoko ng ganitong pakiramdam, ayoko ng makaramdam ulit ng pangungulila. All my life, puro luha na lang po 'yung naranasan ko. Ngayon na lang ulit ako sumaya, pero bakit binawi pa? Please, I'm begging you, Goddess Aika... Please, make this pain go. I can't take it anymore." Unti-unti na namang bumalong ang mga luha sa mata ko.

Yes, I begged. Hindi naman masamang magmakaawa lalo na kung pakiramdam mo wala ka ng magagawa. Kung pakiramdam mo kailangang-kailangan mo ng kakampi sa mundong ito.

"Hush, it's alright! Everything will be alright." Inalo niya ako sa pamamagitan ng pagyakap niya sa akin. Nagsisikip na ang dibdib ko at mahahapdi na rin ang mata ko sa sobrang pag-iyak, ewan ko ba kung bakit walang kapaguran ang mga matang 'to.

Princess of the Mystique KingdomBasahin ang storyang ito ng LIBRE!